This is Showbiz Episode #47: Jay Manalo, ang batang-lansangan at istokwa na naging award-winning actor

Kahit paghatian pa ng Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman—isama mo pa ang Tadhana at Wish Ko Lang—ang mga bahagi ng buhay ni Jay Manalo para isadula, ay kulang pa rin sa dami ng kanyang pinagdaanan as a hard-luck kid.

 

Halos lahat ng elementong pang-teleserye, naranasan niya.

 

Naghiwalay ang parents, umalis ang nanay, nag-asawa ng iba ang tatay, iniwan sa stepmom, pinapalo ng kaanak ng stepmom.

 

Binalik sa lolang taga-Tondo, pinapalo pa rin, nagtinda ng sigarilyo, naglayas, nagpa-ampon kung kani-kanino...

 

Nag-apply sa US Navy para hanapin ang nanay, nakapasa pero naiwan ng barko.

 

Nakapasok sa amateur basketball league, nabalian ng tuhod.

 

But he has this never say die attitude. Go lang nang go kung saan dalin ng kapalaran. Actually, wala nga sa choices niya ang showbiz. Sinubukan lang. Hindi sineseryso no’ng una ’yon pala, dito didiretso ang mundo niya.

 

Sa lahat ng pinagdaanan, maaaring apat na beses  palang siyang humagugol.

 

Una (and collectively) ay noong batang paslit siya kapag kinukuwestyon niya ang Diyos sa gabi kung bakit wala ang nanay niya.

 

Pangalawa ay nang maiwan siya ng barko na magdadala sa kanya sa America as a US Navy draftee dahil kasamang naglaho noon ang hope na mahanap niya ang nanay niya na nasa Amerika na.

 

Pangatlo ay nang magkita sila ng kanyang Vietnamese mom after sixteen years matapos itong matunton ng Showbiz Lingo noong mid-90’s. Actually, dalawang beses ito. Una kasi ay via phone patch muna. I remember being at the Showbiz Lingo studio that time dahil binitbit ako ng namayapang si Ray Cañete, na manager ni Jay at that time. Mas malakas pa yata ang hagulgol naman noon kesa kay Jay. Next time around ay ang actual na nilang pagkikita na kagagawan pa rin ng Showbiz Lingo.

 

And possibly, the last time he must’ve cried hard ay nang magkaroon siya ng angel in the form of one of his 12 children.

 

But other than those, nilalabanan ni Jay ang buhay. Ang maganda lang sa kanya, despite his misfortunes noon, wala siyang resentment. Walang siyang galit sa mundo. ’Yong paglalayas niya noong bata siya was not because of rebellion kundi ayaw niyang maging pabigat.

 

Kaya naman when the universe decided to reverse his fortune, nagsunod-sunod na ang magagandang nangyari sa buhay niya. And it all started nang magkita na sila ng mama niya. By then, tinanggap na rin niya na showbiz ang mundo niya.

 

Jay actually started in showbiz as an action star. Nagkataon lang na nang batuhan siya ng sexy role ay nag-click siya doon. And even up to now, naka-tatak na sa kanya ang pagiging Totoy Mola.

 

Pero pinatunayan niya namang bukod sa box office success ay may iba pang treasure sa sexy-drama movies by bagging the Urian best actor award on 2002 for the sexy film Prosti opposite Aubrey Miles. And Jay just went on doing one move after another honing his versatility along the way. Wala ng genre-genre. Naging bankable TV star din siya juggling both kontrabida and sympathetic roles.

 

Today, he’s cemented his status as one of showbiz’s reliable actors.

 

And he’s at a point in his career where he’s already passing along what he’s learned sa mga baguhang nangangarap maging kahgaya niya.

 

Gaya sa lastest movie niyang Mahjong Nights, he didn’t mind sharing screen time with newbies Sean De Guzman and Angeli Khang giving them advises, lending his valuable support. Bahala na raw sila kung ia-absorb ang mga ipinapasa niyang nuggets of wisdom.

 

Incidentally, naka-relate siya nang slight sa pelikulang Mahjong Nights dahil it brought back some bittersweet memories. Sa pagma-mahjong daw siya binuhay ng lola niya na madalang daw padala ng pera ng tatay niya.

 

Pero kahit gumanda-ganda na ang buhay ni Jay, hindi pa rin nagpa-awat sa mahjong ang lola niya at indirectly, iyon na rin ang ikinamatay nito. Na-hit and run daw habang pauwi mula madyungan. Kaloka, di ba?

 

Anyway, streaming na today, Friday, November 12, ang Mahjong Nights sa Vivamax.  

 

But for a slight teaser about the film and a glimpse of Jay Manalo’s colorful life, please watch our full interview by clicking the video above.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.