This is Showbiz Episode 5 (PART 2): Kumusta na ang buhay ng original MISS Q&A JULIANA PARIZCOVA SEGOVIA?

Viva artist na pala ang first ever Miss Q&A ng It’s Showtime na si Juliana Parizcova Segovia. At para alamin ang mga detalye kung paano siya napunta sa Viva Artists Agency ay dinayo ng “This is Showbiz” si Juliana sa bahay niya sa Pasay.

Ang right there and then, naging instant house tour ang aming pagbisita sa nirerentahan niyang bahay sa may Tramo, Pasay, kung saan kasunod niya ang equally kwela niyang nanay na si Mommy Cynthia at ang spoiled niyang “anak” na si QA.

Juliana took the chance na mas maipaliwanag pa sa kanyang mga taga-subaybay na “dream sequence” lang ang ipinakita niyang house tour last February sa kanyang YouTube Channel, na bahay pala ng isang mayamang kaibigan niya at nagro-role play lang pala siya sa video.

Sa This is Showbiz house tour, kwela niyang ikinuwento ang mga detalye sa apat na sulok ng kanyang P15K/ month apartment.

However, naging seryoso ang ilang portion ng interview proper (Part 2) lalo na nang mapag-usapan ang pagsasara ng ABS-CBN, na nataon pa sa pandemic.

Umamin si Juliana na maraming gabing hindi siya mapagkatulog, lalo na noong hindi na nga na-renew ang franchise ng Kapamilya network. Aniya, nagsisimula palang daw siyang mabigyan ng break sa mga ibang shows ng ABS-CBN pero naputol agad gayong hindi pa nga raw niya natutupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay.

Patikim lang daw kaya ang lahat?

At habang patagal nang patagal ang Covid-19 pandemic, lumalala raw ang anxiety niya dahil palabas lang halos ang pera at kakaunti ang raket, so to speak. Maging sa It’s Showtime ay on-call lang din siya at madalang na ang appearance. 

Aminado si Juliana na inilako niya ang sarili...nagtanaong-tanong kung saan p’wedeng ma-extend pa ang career hanggang sa natulungan siya ng isang kaibigan na maipasok sa Viva.

Nakibalik-tanaw din kami kay Juliana sa kanyang buhay-kontesera noong araw bago siya tinanghal na Miss Q & A 2018.

To view the aliw tsikahan, kindly click the video above or go directly to our YouTube Channel (pikapika showbiz) or on our Facebook page (pikapikashowbiz).

WATCH PART 1 HERE:


MORE ‘THIS IS SHOWBIZ’ EPISODES:

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.