This is Showbiz (Episode 6): JULIA BARRETTO—MOVING ON, MOVING FORWARD

Kaninang hapon, September 30, formal nang in-announce ng Viva Artists Agency ang pagpirma ng kontrata ni Julia Barretto bilang pinaka-bagong miyembro ng VAA Family.

Kasabay nito ang isang virtual press conference kung saan sinagot ni Julia ang ilang katanungan ng mga entertainment press and vloggers habang naka-station siya sa opisina ng Viva dahil may meeting siya with the bosses right after.

Pagkatapos ng Zoom conference ay saglit na pinaunlakan ni Julia ang isang exclusive sit-down interview ang pikapika.ph, para sa online show na “This is Showbiz” para sa isang mas detalyadong kumustahan.

Napag-usapan s’yempre ang paglipat niya ng management at kung gaano siya ka-excited sa mga collabs na gagawin niya with Viva and Viva stars. 

However, nilinaw niyang hindi niya iniiwanan ang ABS-CBN. At kung hindi na siya bahagi ng teleseryeng Cara Y Cruz ay dahil sa desisyon ng ABS-CBN management na pawang taga-Star Magic ang magbida sa show at hindi dahil sa iniwan niya ang proyekto sa ere.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa cyber libel complaint na idinulog niya sa NBI kamakailan laban sa former broadcaster na si Jay Sonza dahil sa pagpapakalat nito ng balitang buntis siya. 

Nagkwento rin Julia ng one-year journey niya as a solo dweller sa kanyang ipinatayong three-story house na ayon sa kanya ay super enjoy pero challenging lalo na pag dumadating na ang mga bills na dating sagot ng mommy niyang si Marjorie Barretto.

Ilan lang yan sa mga sinagot ni Julia sa aming life update with her. 

To view the full interview, please click on the link above.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.