This Is Showbiz Episode No. 34: Sanya Lopez, inaping extra noon, primetime princess at rater na bida na ngayon

Nakakatuwa kapag nakakarinig ka ng mga success stories. Pero mas nakakatuwa pag alam mong ang mga taong involved sa isang success story ay nananatiling grounded, humble, and kind.

 

Isa si Sanya Lopez na pasok sa description na yan—damay na rin ang kanyang Kuya Jak Roberto, who indirectly paved the way para makapasok din siya sa showbiz.

 

Laking-hirap ang magkapatid na Roberto, na laking-Nagcarlan Laguna pero paminsan-minsang umuuwi sa kanilang Lola sa Pulilan, Bulacan naman. Maaga kasing binawian ng buhay ang kanilang tatay—Jak was only six then, habang si Sanya daw ay two years old lang— kaya’t naging unstable ang buhay nila financially.

 

Bilang panganay, nagpapa-jack of all trades daw si Jak noong teen years nito. Naroong magpabayad as bantay ng play station shop at kapag undas o araw ng mga patay, nag-aalok daw itong maglinis ng mga puntod for a fee. Hindi makakalimutan ni Sanya ang madalas nilang paghahati sa pancit canton at “kuwatro pesos” na chocolate drink dahil yon lang ang afford nila.

 

Unang napadpad sa showbiz si Jak via the late Kuya Germs’ (German Moreno) Walang Tulugan Show na tila ginawa nitong late-night version ng That’s Entertainment. Isa si Jak sa mga kabataang nangangarap magkapangalan sa showbiz sa tulong ni Kuya Germs. Aksidenteng na-discover lang ni Kuya Germs si Sanya nang makita niya itong nanonood sa kanyang kuya sa studio. The year was 2012. Maganda at matangkad, artistahin naman talaga ang dalaga. 

 

Pero nang sabihang bumalik at isasalang din, hindi niya ginawa dahil akala daw niya ay hindi seryoso ang master showman. Nang ipatawag ulit saka lang siya naniwala. Pero dahil probinsyana at mahiyain, it took a while bago niya nagamay ang paglabas sa TV. 

 

Nang mabawasan ang pagka-mahiyain, unti-unti na siyang tumanggap ng mga bit-players roles sa mga GMA dramas at pag sinuwerte ay may dialogue or lines daw ang nakukuha niyang “extra” role and that would mean she’d go home with P1,000 (pag wala kasing line ay P500 lang). Tuwang-tuwa na siya noon.

 

And as an extra, natural na dinaanan niya ang mga karaniwang pinagdadaanan ng mga bitplayers gaya ng puyatan na hindi mo alam kung magagamit ka o hindi, ang pagtambay nang matagal sa mga non-celebrity tents (which we assume are non-air conditioned), at ang masigawan.

 

In fact, isa sa di niya makakalimutang anecdotes ay noong mapalabas siya sa tent ng mga celebrities. Honest mistake na napadpad siya doon and she didn’t take it against the staff na pinaalis siya dahil tama nga naman na hindi niya lugar yon.

 

Hindi naman nagtagal ang pagiging bit player niya dahil a year after, nabigyan na siya ng GMA-7 ng mga maliliit na support roles. Level-up na siya sa extra. Until in 2016, she landed the role of Sang’gre Danaya in the Encantadia reboot.

 

Since then ay nagsimula na siyang ngitian ng tadhana. Sunod-sunod na ang kanyang mga lead roles at nagkapelikula pa (Wild and Free). 

 

But 2021 is her year dahil kung kailan pa may pandemic at saka mas humataw ang kanyang career. It all started nang mag-beg off si Marian Rivera sa role na First Yaya. Pandemic nga kasi kaya’t takot itong mawalay sa mga anak. Napunta ngayon ang role na Yaya Melody kay Sanya na hindi lang bumagay kundi minahal pa ng viewers. Click sa manonood ang tandem nila ni Gabby Concepcion. It turned out, niche niya ang rom-com (na duma-drama din). 

 

Sa madaling salita, meant for her talaga ang First Yaya and meant to be na ma-embrace siya ng publiko bilang bagong bagong prinsesa ng GMA primetime.

 

Pero kung tutuusin, mas nauna pa dapat siya naging leading lady ni Senator Bong Revilla dahil 2019 palang ay napili na siya ni Senator Bong Revilla para maging leading lady nito sa Agimat ng Agila (na ume-ere na din ngayon). Nagkataon lang na naunang gawin ang First Yaya. Ang ending tuloy ay dalawa ang shows niya sa GMA primetime na parehong nagre-rate! In fact, nag-trending pa sa Twitter ang unang paglabas ng character niyang si Maya sa Agimat ng Agila two weeks ago.

 

Tila nakahanap nga ng bagong mamahalin ang publiko sa katauhan ni Sanya. And we dare say she deserves it more than the others.

 

Innate ang bait ni Sanya at ng kanyang kuya. Walang kahit anong put on o filter. Sa mundo ng showbiz, tila too good to be true. 

 

Pero sa kagaya naming ilang dekada nang kumikilatis ng celebrities, we can boldly say the goodness is genuine.

 

She deserves our attention. At para mas makilala n’yo pa siya, kindly watch our full episode by clicking the video above.

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.