TUTOONG BUHAY NG MGA SIKAT #1: Joey de Leon

This July, pikapika.ph proudly presents a new show in our YouTube Channelpikapika showbiz—called “Tutoong Buhay ng mga Sikat.”

Hosted and written by pikapika’s resident film critic and entertainment editorialist, Butch Francisco (who also happens to have a wellspring of information about our veteran stars), “Tutoong Buhay ng mga Sikat,” is our own mini-documentary and unauthorized biography of showbiz’s most iconic names.

We start off with the original multi-media star and word master, Joey de Leon, na matagal nakasama ni Butch Francisco sa weekly talk show na Startalk sa GMA-7.

Here’s Butch encapsulating Joey’s unmatched career track record and colorful personal life in “Tutoong Buhay ng mga Sikat”:

Meron pa kayang local celebrity na tatalo pa kay Joey de Leon sa paramihan ng media exposure? Palagay ko, wala na.

To begin with, siya ay multi-media personality. Nagsimula siya sa radyo – kung saan nag-set siya ng record. Siya lang ang kaisa-isang DJ na nakaikot sa pitong radio stations ng pre-martial law ABS-CBN. 

Sa TV, bukod-tanging siya lamang ang nagkaroon ng programa sa lahat ng major networks. Siempre sa Channel 9 na CNN na ngayon – du’n nag-umpisa ang Eat Bulaga!

Nagkaroon din siya dito ng sitcom na Joey & Son kung saan naging anak niya ang dating musmos pa lamang na si Ian Veneracion

After EDSA I, sa Channel 9 din siya nabigyan ng pagkakataon na mag-host ng arts & culture show. Oo, arts & culture nga - sa maniwala kayo’t sa hindi. Ito ay ang Apple Pie, Patis at Iba Pa.

Sa Channel 13 naman – dito siya lumabas sa Iskul Bukol at TODAS. Oo nga pala, dito din ang first ever TV show niya – ang Okay Lang ... kasama ang naging karibal na APO Hiking Society. 

Sa ABS-CBN nakabalik siya dito nang lumipat du’n ang Eat Bulaga! nung February 1989. Nag-co-host din siya paminsan-minsan sa The Sharon Cuneta Show.

GMA ang kasalukuyan niyang tahanan. Bago pa lumipat ang Eat Bulaga! dito, nag-host ang Tito, Vic & Joey ng Discorama sa network na ito. Paminsan-minsan, guest co-host din sila ng Student Canteen, ang noontime show na kanilang tinalo nang nagtayo sila ng Eat Bulaga! 42 years ago. 

Sa GMA siya talaga nagtagal kasi nag-host din siya dito ng Mel & Joey nang mawala si Jay Sonza. Sa siete din siya lumabas sa Nuts Entertainment, Mixed Nuts, Startalk, at CelebriTV. 

Habang nasa GMA ay nagkaroon din siya ng programa sa Channel 5 – ang Wow Mali na puedeng sabihing ninuno ng mga prank na ginagawa ngayon sa social media.

May nakaligtaan pa ba akong programa? Patawarin n’yo ko, pero sadyang mahaba ang TV credits ni Joey de Leon.

Siempre, naging box-office star din siya sa pelikula – at talagang pumatok sa takilya ang Starzan at Barbie series.

Sa dyaryo, naging kolumnista din siya sa [Manila] Bulletin at Philippine Star.

Nagpipinta din siya at meron akong obra niya.

Actually, puede din sana siyang nagkaroon ng career bilang dramatic actor, kaya lang ang first sabak niya sa drama – na-ban ng censors. Ito ay ang sa Kahapon Lamang kung saan siya nagbida sa isang kwento tungkol sa incest. 

Pero ano ba talaga ang pinagmulan ni Joey de Leon?

Si Jose Maria de Leon ay isinilang noong Oct. 14, 1946. Bata pa lang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Jose at Emma. Ang kanyang ama ay nanirahan sa Spain. Matapos ang limang dekada ay naging madalas ang pagkikita ng mag-ama. Laging dinadalaw ni Joey sa Espanya si papa. 

Actually, si Joey ay lumaki malapit sa Espanya – sa Sampaloc, Manila.

Nag-aral siya sa Moises Salvador Elem School kung saan kaklase niya si Lolit Solis. Sadyang makulit daw si Joey kaya minsan ay sinaksak ito ng lapis ni Lolit. 

Kahit pilyo si Joey, di maitanggi ni Lolit na cute na bata si Joey, 

Ang nangyayari tuloy, kahit si Joey ang may kasalanan pag nag-aaway sila, si Lolit ang laging napapagalitan ng teacher – kasi nga mukhang anghel si Joey.

Ang pagiging cute ni Joey ang naging dahilan kung bakit pinag-audition siya bilang kapatid ni Rosa Rosal sa klasikong Anak Dalita. Second place siya du’n. Napunta ang role kay Vic Bacani na napatay sa ending ng movie.

Hindi naman talaga pinangarap ni Joey na mag-artista. Ang gusto niya ay maging arkitekto sana dahil magaling ang kamay niya. Nagtrabaho nga siya bilang draftsman sa Philippine Air Force habang nag-aaral ng architecture – una sa UE, tapos sa NU.

Pero di niya natapos ang kursong yun kasi biglang nagbago ang kapalaran niya. 

Sa Sampaloc ay may barkada siya na ang ina ay modista. Isang araw ay nagpasama ang barkadang ito kay Joey sa ABS-CBN upang maghatid ng damit sa singer-actress na si Carina Afabale na tiyahin ng dabarkads na si Ryan Agoncillo

Tutal ay nasa loob na sila ng ABS-CBN, namasyal sa mga studio ang dalawa – hanggang nakakita sila ng audition para sa DJ.

Bilang prank, ipinasa ng kasama niya ang pangalan ni Joey sa audition. Laking gulat ni Joey nang tawagin ang pangalan niya.

Pero naging cool lang si Joey. Sa round one ay may ipinabasa lang sa kanya. Dahil maganda naman ang timbre ng boses niya, pasok siya du’n. 

Sa madali’t sabi, nakapasa ng audition si Joey at naging DJ nga sa ABS-CBN. Mga late 1960s ito – kaya si Joey ay nasa showbiz na ng higit pa sa limang dekada. 

Sa personal na buhay, unang napangasawa ni Joey si Daria Ramirez, isang dating starlet na naging sexy star na naging respetadong aktres – two-time Urian winner nga.

Dahil kapwa sila busy sa mga karera nuon, di nag-work ang marriage. Sabi nga ni Daria – uuwi lang si Joey para magpalit ng damit. Nabigyan siya ni Daria ng dalawang anak – sina Keempee at Cheenee.

Si Keempee ay minsan din nakasama sa Eat Bulaga! Pero alam n’yo ba na minsan ay pinag-isipan ni Joey na umalis sa programa?

Sa lahat naman kasi ng mga pagsasama ay nagkakaroon ng disgusto. Nang magkaroon ng tampuhan minsan sa Eat Bulaga!, nabalitaan yun ng Student Canteen at inalok siyang lumipat.

Nakipag-usap si Joey sa mga taga-Student Canteen sa isang inuman sa Quezon City. Nung uwian na, naglakad si Joey patungo sa may PLDT office sa may East Avenue at du’n niya isinuka lahat ng nainom niya...kasama pati ang verbal commitment na ibinigay niya sa mga taga-Student Canteen. In other words, nahimasmasan si Joey at bumalik sa Eat Bulaga!  

Buti na lang at nag-balik Bulaga siya dahil du’n din niya nakilala si Eileen Macapagal na naging guest co-host matapos umalis si Chiqui Hollmann. 

Nung 2018 ay pormal nang nagpakasal sina Joey at Eileen. Obviously, nag-work ang marriage na ito dahil si Eileen ay hindi na nag-showbiz mula nang magsama sila ni Joey. 

Bago pa nag-pandemya ay easy-easy na lang ang buhay ni Joey. Biyahe siya ng biyahe kasama si Eileen at tag-along din minsan ang tatlo nilang anak na sina Jako, Jio at Jocas. 

Ang isa pang passion ni Joey ay kumain. Pero ‘yun naman, bigyan mo lang yan ng hipon na suwahe eh talo-talo na ‘yan.

Mukhang complicated, pero simpleng tao talaga si Joey. 

One thing for sure, malaro at malikot ang isip at imahinasyon ng henyong si Joey de Leon.                     

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.