TUTOONG BUHAY NG MGA SIKAT #3: Dra.Vicki Belo

pikapika.ph proudly presents “Tutoong Buhay ng mga Sikat: Dra. Vicki Belo.” 

 

After Madam Gloria Romero, we give you this time, the iconic beauty doctor, Dra. Vicki Belo. Makisilip tayo sa makulay na buhay ng doktora na naging icon sa Pinoy pop culture dahil sa kanyang success story, close association sa malalaking showbiz personalities, at makulay na May-December love story.

 

Parang tele-novelang sinusubaybayan ang fascinating niyang buhay magpa-hanggang ngayon. Patunay na mas sikat pa siya sa ibang artistang inaalagaan niya ang ganda. 

 

At big bonus: pinahiram niya kami ng never-before-seen precious old photographs from her personal album! 

 

Once again, here’s our resident film critic and editorialist—and now biographist—Butch Francisco to tell you about the doktora na nanatiling relevant even sa Gen Z.

 

“Nung araw, kapag sinabi na mag-belo, ibig sabihin magsisimba. Pero ngayon, kapag sinabing mag-Belo, ibig sabihin, magpapaganda.

 

“Ang salitang Belo ay nasama na nga sa ating bokabularyo. Pero alam n’yo ba na ang apelyido ng biological parents ni Dr. Vicki Belo ay Cancio? Parang di yata maganda ’yung magpapa-Cancio.

 

“Hindi pang-teleserye ang kuwento ng pagka-ampon kay Dr. Belo. Sa Magpkailanman nga, pinalabas pang nagkaroon ng car accident ang foster mother ni Vicki na si Nena Belo kaya di p’wedeng magka-anak. Pero ginawa lamang ’yun para mas maging ma-drama ang kuwento. 

 

“Hindi din dahil sa hikahos sa buhay kaya na-ampon si Vicki. Mas mayaman pa nga ang mga Cancio kaysa sa mga Belo. Actually, magkapatid ang biological at foster moms ni Vicki kaya auntie niya ang kanyang kinilalang ina. 

 

“Ang adoptive father naman ni Vicki ay minahal din siya nang todo kahit di sila magkadugo. Pinalaki nga siyang Daddy’s Girl ni Atty. Ike Belo na isang very accomplished na tao na naging ambassador pa to Thailand.

 

“Nakakalungkot lang na naramdaman pa din ni Dra. Belo ang stigma ng pagiging adopted. Dahil kasama din ni Vicki ang mga biological sisters sa Assumption kung saan sila nag-aral, napagtsi-tsimisan siya dun.

 

“Minsan ay nahuli ang sundong kotse si Dra. Belo. Akala n’ya ay i-aabandona din siya ng foster parents n’ya. Kaya mula nu’n, ang sasakyan ng mga Belo ay nagbantay na sa Assumption at naka-park kung saan tanaw ito ng batang si Vicki mula sa kanyang classroom.

 

“Elementary pa lang ay ineng-courage na si Dra. Belo na maging duktor ng kanyang foster parents. Imbes na manyika ay laruang medical tools ang kanyang nilalaro.

 

“Masunurin namang anak si Dra. Belo. Nag-aral siya ng pre-med sa UP Diliman kung saan siya naging campus figure dahil lagi siyang sexy sa kanyang mga puting jeans na kanyang pinang-aaraw-araw.

 

“Nagustuhan naman ni Dra. Belo ang pagme-medisina pero ang kanyang tunay na passion ay pagsasayaw. Naging back-up dancer pa nga siya ni Vilma Santos sa TV.

 

“Noong mga panahong yon, boyfriend ni Vilma si Ronnie Henares, samantalang nobyo ni Dra. Belo ang kapatid ni Ronnie na si Atom. Madalas nga ay nagdo-double date sila. 

 

“Maagang nagpakasal si Vicki kay Atom Henares kaya natigil siya sa 2nd year med proper. Nagkaroon sila agad ng dalawang anak. Ang panganay ay tinawag na Quark dahil ito ay maliit na Atom. Ang babae ay si Cristalle. 

 

“Di nagtagal ay naghiwalay din sina Vicki at Atom, pero hanggang ngayon ay magkaibigan sila. Parang magkapatid na lang ang turingan nila sa isa’t isa.

 

“Pero di pa din kinalimutan ni Dra. Belo ang pangako sa kanyang mga magulang na siya ay magdo-doktor. Nagpatuloy siya ng medicine proper sa UST. 

 

“Nag-specialize si Dr. Belo sa dermatology matapos mag-aral sa Thailand at kumuha ng mga kurso sa Harvard. 

 

“Nagsimula lamang siya sa isang maliit na klinika kung saan siya na din ang nagpe-facial minsan. Kalaunan ay nagdagsaan sa kanya ang mga malalaking artista tulad nina Piolo Pascual, Anne Curtis, Liza Soberano, at maraming-marami pang iba. 

 

“Kasabay ng kanyang tagumpay ay naging isang magulong buhay ang kanyang pinagdaanan dahil sa relasyon niya kay Hayden Kho.

 

“Nagsimula ang lahat ng mag-apprentice si Hayden sa isang clinic ni Dra. Belo. Una ay inireto ito kay Ara Mina, pero walang spark. For a while nga, naisip pa ni Dra. Belo na bagay ito sa anak na si Cristalle. Wala ding nangyari.

 

“Nang maglaon, si Dra. Belo at Hayden ang nagkagustuhan.

 

“Sa umpisa pa lang ay alam na ni Dr. Belo na bukas pa din ang playground pero sarado na ang factory kaya di na niya p’wedeng bigyan ng anak si Hayden. 

Buti nalang dumating sa buhay nila si Scarlet Snow. 

 

“Nu’ng 2017 ay nagpakasal sina Dr. Belo at Hayden sa France.

 

 

“Actually, gusto na sana ni Vicki na medyo mag-slow down at i-give up ang Belo Medical Group. Kaya lang ay wala naman siyang p’wedeng pag-iwanan. Wala sa kanyang mga anak ang nag-duktor dahil di nila hilig ang ganitong propesyon.

 

“Nag-try mag-medicine si Cristalle nuon, pero ang pagdo-doktor ay isang calling. Si Quark naman ay naging abala sa pagiging producer at filmmaker.

 

“One time, ay muntik nang ibenta ni Vicki ang Belo Medical Group sa isang malaking kumpanya. Kaya lang, ang gusto ng buyer ay involved pa din si Dra. Belo sa mga klinika. E, paano naman siya magpapahinga kung ganun?

 

“Kunsabagay, iba talaga pag si Vicki ang on top.

 

“Ang totoo, marami na ang kumalaban sa Belo Medical Group, pero never itong natinag.

 

“Hanggang ngayon, siya pa din ang No. 1 Doctor to the Stars. Iba na talaga ang nauna at original. Nag-iisa lang talaga si Vicki Belo.

 

MORE VIDEOS:

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

Tiktok: https://www.tiktok.com/@pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.