Vhong, hindi naisip mag-quit sa showbiz kahit sa gitna ng gulong kinasangkutan

Vhong, hindi naisip mag-quit sa showbiz kahit sa gitna ng gulong kinasangkutan

Matatandaang naging national news noong January 2014 ang diumano’y tangkang panghahalay ni Vhong Navarro sa dalagang si Deniece Cornejo na nauwi naman sa diumano'y pambubugbog at pag-detain illegally kay Vhong ng mga kaibigan ni Deniece sa pangunguna ng businessman na si Cedric Lee.

Nauwi ang lahat sa isang mahabang legal battle at nito lang July 27, 2018 ay nahatulan nang guilty sina Cedric Lee, a certain Jed Fernandez, at Deniece Cornejo sa kasong grave coersion ng Taguig City Metropolitan Trial Court.

More than four years na ang itinakbo ng kaso at sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng kampo ng komedyanteng si Vhong Navarro ang desisyon kaugnay naman sa serious illegal detention case na isinampa niya laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

Sa kainitan ng issue, never daw naisip ng Unlilife lead star na talikuran ang showbiz para sa mas tahimik na buhay. Ang worry lang niya noong mga panahong ’yon ay ang diumano’y mga nakakarating na pagbabanta sa mga binatilyo niyang anak na sina Bruno at Yce.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.