WATCH: Alamin kung ano ang effective na bagong diet ni Songbird Regine Velasquez

Sa after-presscon tsika kina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez kahapon, September 23, para sa kanilang Iconic Concert, isa sa nausisa ng mga press at bloggers sa dalawang giant names na ito sa music scene ay tungkol sa kanilang diet. Kapwa kasi halatang nabawasan nang husto ang kanilang timbang. 

Ayon kay Mega, na isang certified foodie, nagkakasya na siya ngayon sa patikim-tikim lang, kumpara nong araw. Basta lang daw at ma-satisfy ang craving. Pero nang si Songbird na ang sumagot, nagulat ang lahat sa sinabi niya. Pero agad naman silang kumambiyo ni Megastar at nag-warning na wag silang seryosohin. 

Later on ay sinabi na rin ni Songbird na intermittent diet ang nagwo-work na diet sa kanya ngayon.

By the way, ang historic musical event na Iconic—ang pagsasanib pwersa ng dalawang higanteng hitmakers —ay magaganap on October 18 and 19 at the Araneta Coliseum. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.