Watch: Alamin kung paano inubos ni Juliana Parizcova Segovia ang 1 Million niya

Mula nang manalong bilang “Miss Q&A” sa It’s Showtime ang toothless beki na si Juliana Parizcova Segovia (Tyrone James “TJ” Ortega in real life) ay naging maganda naman ang takbo ng career nito. Bukod sa naisama na siya ni Vice Ganda sa dalawang pelikula nito ay regular pa siyang napapanood ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

At ang latest blessing nga sa kanya ay ang makasama sa pelikulang And Ai, Thank You, kung saan publicist ng bida at idolo niyang si Ai-Ai delas Alas (who plays as bitchy movie star) ang role niya.

Nang matanong kung paano niya ginastos ang 1M na naiuwi niya mula sa “Miss Q&A” noong June 2018, sinabi niyang in-invest niya din ito sa mga gamit pang-artista at pinagbayad ng utang.

And Ai, Thank You, directed by Joven Tan for Reality Entertainment, is showing August 14.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.