Watch [and listen]: Anne Curtis, kumanta ng sintunado

Sa 10th anniversary press conference ng It’s Showtime kamakailan na ginanap sa ABS-CBN Dolphy Theater, tinanong ang mga hosts kung nakikita din ba nila ang sarili na tatanda na sa daily show nila—which is an indirect comparison sa mga hosts ng rival show nilang Eat Bulaga! na inabot na ng 40 years sa ere na sila-sila pa rin ang hosts.

READ: Vice Ganda reveals he almost left It’s Showtime

Ayon sa kanila, nagsitanda na nga raw sila sa show kung tutuusin dahil hindi naman biro ang dire-diretsong 10 years. Oo ang sagot ng lahat. In fact, Vice Ganda, even said earlier on na ikamamatay niya pag nawala ang Showtime sa buhay niya. At dagdag niya, masarap daw tumanda na kasama pa rin ang tropa nila sa show.

Pero iba ang hirit ni Anne Curtis dahil imbes na magpaliwanag ay bumanat ito ng kanta na “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko,” na national anthem ng mga nangangakong magsasama nang pang-matagalan.

Ang catch, unang linya palang ay mali na ang lyrics at mali pa ang tono. Inulit ni Anne ang simula para itama...pero lyrics lang ang tumama. Ang tono at ang tiyempo ay lalong naligaw kaya in-attempt na ni Vice na gabayan siya. Still, to no avail. Hagalpakan ang mga entertainment press na nasa venue dahil para lang silang nanood ng live okrayan ng grupo na parang nasa studio lang.

YOU MAY ALSO LIKE: 

Anne Curtis pleads to the press: stop asking women about pregnancy and marriage

Tulo-laway crying scene ni Anne Curtis sa Just A Stranger na pinuna ng netizen, very authentic para kay Direk Jason Paul Laxamana!

Anne Curtis, may “what if” moment kay Zac Efron

Para kay Anne Curtis, Marco Gumabao is the right choice as her leading man

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.