WATCH: Bayani at Vhong, na-on-the-spot mag-comment sa “new look” ni John Lloyd Cruz; Bayani, napa-sign of the cross daw

Sa grand media conference kagabi ng reformatted na Home Sweetie Home na tatawagin na ngayong Home Sweetie Home: Extra Sweet, natanong ang mga bagong cast na sina Bayani Agbayani at Vhong Navarro kung ano ang masasabi nila sa “new look” ni John Lloyd Cruz (also known as JLC and Lloydie) na ang pinatutungkulan ay ang pag-i-sport nito ng long-hair at ang pagka-balbas-sarado, na complete opposite sa dating clean look nito noong nagbibida pa ito sa Home Sweetie Home. 

Kung sa social media at sa mga private na umpukan tsika kasi magba-base ay negative ang karamihan ng comments sa napiling look ng nagpapahingang aktor. 

Naunang sumagot si Bayani dahil nagkaroon ito ng chance na makita at makausap ang aktor sa ginanap na thanksgiving party ni President Duterte sa Malacañang last May 7—or nine days prior to the Home Sweetie Home press conference. Kapwa kasi imbitado in the said dinner sina Bayani at JLC.

Nagbiro si Bayani na napa-sign of the cross daw siya pagkakita sa nagha-hibertnate na aktor. Pero agad niyang nilinaw na nagbibiro lang siya. Pagkatapos noon ay sinabi niyang malaking kawalan sa industriya ang pagka-inactive ngayon ni JLC. Si Vhong naman, for his part, says na dapat lang respetuhin ng lahat kung anuman ang gustong gawin ni Lloydie sa look niya.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.