Ibinisto ni Bayani Agbayani na may mabilis na mabilis na frontal nudity sa rom-com movie nila ni Gelli de Belen na Pansamantagal, na incidentally ay showing na bukas, March 20.
Ayon kay Bayani, justified at kinakailangan daw ito sa pelikula dahil sa simula palang ng pelikula ay may pinag-usapan na tungkol sa male organ at ilang beses daw magiging reference ito sa movie.
“Hindi ko sasabihin kung ano’ng eksena pero masasabi mo na dapat lang ipakita kasi hahanapin siya ng tao kasi pinag-usapan all throughout the movie, e…tapos, ‘san ’yon, sino ’yon?’” esplika ni Bayani.
R-16 daw ang Pansamantagal, meaning, “only viewers who are 16 years old and above can be admitted” dahil na rin sa nabanggit na eksena at ilang mga irreverent dialogues.
YOU MAY ALSO LIKE: