WATCH: Kung paano ma-windang si Winwyn Marquez sa sunod-sunod na tanong tungkol kay Alden

Kagabi sa grand media conference para sa pinakabagong teleserye ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig, pinutakti ang isa sa mga lead stars ng show, ang beauty-queen/actress na si WinWyn Marquez, ng mga katanungan tungkol kay Alden Richards.

Magmula kasi noong um-attend ang dalaga sa opening ng McDonald’s franchise ni Alden sa Biñan, Laguna last April 24 ay bigla nalang siyang na-link sa loveless na aktor gayong hindi lang naman siya ang Kapuso female star na nandoon. Ayon kasi sa mga naka-saksi ay tila iba raw ang pag-aasikaso ni Alden sa anak ni Joey Marquez.

Pero up to this day ay nawiwindang si Winwyn sa biglaang pagkaka-link niya kay Alden samantalang matagal na raw silang close nito, panahon pa ng Party Pilipinas at One True Love TV series (2012) ay nagkakasama na raw sila sa work.

Nagkataon kasing loveless na si Winwyn ngayon after ng mutual breakup nila ni Mark Herras, habang si Alden naman ay consistent ang sinasabi sa mga interviews na wish na niyang magka-lovelife this year. Sa analysis mismo ni WinWyn, baka yon ang nasilip na anggulo kaya sila nili-link ngayon.

Pero ayon pa rin kay Winwyn, hindi siya ready’ng magka-lovelife sa ngayon dahil ie-enjoy muna raw niya ang pagiging single at pagka-fanatic sa Korean boyband na BTS. Tingin din daw niya ay wala ring panahong magka-lovelife si Alden dahil ni hindi nga raw niya alam kung umuuwi pa ba ng Pilipinas ang aktor dahil lagi itong may commitments abroad.

Ganu’n pa man, naging game at open si Winwyn sa pagsagot sa mga tanong. Nagbiro lang siya na baka ma-bash siya sa pagsagot-sagot niyang ito.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.