WATCH: Liza Soberano, may k’welang message sa debutanteng anak ni Ogie Diaz

Last Saturday, August 31, nag-debut si Erin Pandaan, ang panganay sa limang anak ng writer-comedian cum talent manager na si Ogie Diaz, who is Roger Pandaan ni real life.

Ginanap ang “Princess Jasmine” themed debutante’s ball ni Erin sa grand ballroom ng Luxent Hotel sa Quezon City at kabilang sa naging special guest ay ang prized and pricey talent ni Ogie na si Liza Soberano.

Ayon kay Liza, eight years old palang si Erin noong makilala niya ito kaya naman parang kapatid na rin ang turing niya dito.

Bago nagsalita ay nakipagsabayan muna ng biro si Liza sa mga comedian hosts na sina Tetay at Lassy na silang mga naging emcees sa program that night.

Sa una, sinabi ni Liza na hindi niya expected na invited siya sa party ni Erin. But when Erin herself called up to ask if she’s coming, she made sure she freed her schedule for her dahil espesyal ang dalagita sa kanya.

Hindi masyadong mahaba ang message ni Liza pero naging kwela ito nong sabihan niya si Erin na wag munang magbo-boyfriend dahil ayaw ni Ogie yon.

In fact, maski daw siya ay ayaw pang payagan ni Ogie na magka-lovelife pero wala daw itong nagawa.

Here’s Liza’s complete message:

“Erin, happy birthday. First of all, I just wanna say thank you kasi hindi ko naman ini-expect na i-invite ninyo ako sa debut mo... Hahaha!  Hindi talaga. Nasa Six Flags [theme park] kami sa States, sabi,Ate pupunta ka sa debut ko?’ 

“Sabi ko, ‘Oo. Okay.’ So ’yon. I’m very happy to be here kasi I met Erin when she was 8 or 9 [years old]. Sobrang baby pa niya noon. [From] eight years old and I’ve seen her blossom into a young woman. And I know that she’s very bright and a loving daughter, a very caring ate—kahit minsan inaaway niya ’yong mga kapatid niya. But of course, she loves them dearly.

“And ayon, I just wish na you continue studying hard. Alam ko marami ka pang pangarap and I hope you reach all your goals and your dreams. And ayon pagbutihan mo ang iyong pagiging isang mabuting anak and wag ka muna ng magbo-boyfriend kasi ayaw talaga ni tito Ogie ’yon—kahit sa akin...Hahaha! Pero wala siyang magagawa. Joke! Hahaha!

“But ’yon, I hope you enjoy your night. Naiiyak nga ako kanina when I was watching you.. and enjoy whatever you want and enjoy life and I love you.” 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.