WATCH: Lotlot de Leon, tumuntong at lumibot sa dating Valencia mansyon nila ng kanyang Mama Guy

Isa si Lotlot de Leon—kasama ang Lebanese niyang si Fadi El Soury—sa mga dumalong bisita sa birthday party ng entertainment writer na si Allan Diones na ginanap kagabi, October 8, sa mansion ni Mother Lily Monteverde sa Valencia, Quezon City.

Ang nasabing mansion, which parts have long been converted into an events place, ay dating pag-aari ng nanay ni Lotlot, ang Superstar na si Nora Aunor, until nga maipagbili ito sa Regal Films matriarch na si Mother Lily noong 70s.

At kagabi ay nahilingan ng birthday celebrant si Lotlot na iikot siya sa ilang bahagi ng mansion at magbalik-tanaw.

Ayon kay Lotlot, sila palang daw ni Ian ang anak ng Mama Guy niya noon at sa pagkakantanda niya ay may wishing well noong araw somewhere in the house. May malaking piano din daw sila sa sala pero ang catch, tumutugtog itong mag-isa kung minsan. Yup, kabilang sa memories ni Lotlot sa said house ay ang presence ng mga multo. Hindi lang siya sure kung kiddie imagination lang ba niya ang lahat o hindi. 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.