WATCH: Regine, kinomedi ang pagkadulas

Last Valentine’s Day naganap ang unang gabi ng three-night sold-out concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda entitled The Songbird & The Songhorse na ginanap sa Smart Araneta Coliseum in Quezon City. At dahil first of three, maraming technical na aberyang nangyari. Pero dahil kapwa beterano na sa mga live performances at pareho natural comic kaya naitatawid nina Regine at Vice ang mga semplang moments na imbes na ikapahiya nila ay nagiging cute pa ang dating sa audience. Gaya nalang nang hindi sadyang pagdausdos ni Regine sa provided na tall chair para sa kanyang solo number.

May kadulasan kasi ang tela ng gown ni Regine at hindi siguro niya ito sinuot during the technical rehearsal kaya noong actual na ay hindi niya akalaing dudulas siya. Muling sinubukan ni Regine na umakyat sa silya pero pasadya na siyang nagpadulas for comedy effect hanggang sa nagdesisyon siyang sa props na hagdan nalang sa stage siya uupo at pati iyon ay kinomedi.

Pero bumawi agad si Regine ng pagseseryoso dahil ang seryoso at madramang love song na “Ikaw ang Aking Mahal”  ang kakantahin niya na theme song ng The General’s Daughter ni Angle Locsin.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.