WATCH: Ryan Christian ni Ate Vi, siniguro sa Nanay na hindi niya uunahan ang Kuya Luis niyang mag-asawa o magka-anak

Sa ikatlong gabi ng lamay para kay Mama Milagros Santos, ang nanay ng Star for All Seasons na si Vilma Santos—fondly called Ate Vi in showbiz—ay magiliw siyang nagte-table hopping para bigyang oras ang mga bisita nila kabilang na kami kasama ang kasabayan naming reporter na si Allan Diones, ang veteran writer na si Mario Bautista, at ang Eat Bulaga! lady boss na si Malou Choa-Fagar.

 

Sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque naganap ang apat na araw na lamay para kay Mama Milagros, na pumanaw noong Apirl 1 sa edad na 93.

 

Sa kaswal na pakikipagtsikahan niya sa amin ay isa sa nabuksang topic ay ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola. Si Luis o Lucky ang panganay ni Ate Vi na magte-thirty eight years old na sa April 21.

 

“Mabait siyang bata, in fairness,” panimula ni Ate Vi, referring to her son’s girlfriend, Jessy. “I don’t know maybe she’s young pero I don’t know maybe because Lucky is more mature… baka doon sila nagkakasundo. Do you get me? Meron isang mapagbigay… I don’t know kung ’yong older or younger. But they seem ano… masaya sila. Masaya sila nakikita ko. Even anak ko nakikita kong masaya.”

 

Nagbiro si Allan Diones na kasal na nga lang talaga ang kulang sa dalawa.

 

“No, sabi ko wag natin i-pressure,” natatawang hirit ni Ate Vi. “Pero mautak naman si Lucky, e. Sabi ko, ‘Son!’ … Sabi niya, ‘Mom, don’t worry.’  Hindi siya magpapadala sa pressure. Sabi ko, ‘When you feel it, you know it’s the right time. Pero kung pini-pressure ka because nababalitang gusto ko ng apo and’No, no, no, anak. No.”

 

Muling hirit na biro ni Allan:  “Magte-thirty eight na siya? Kailangan mo na magka-apo.”

 

“Ayoko!” saway ni Ate Vi. “Ipe-pressure mo naman, Allan.”

 

This time, kami naman ang nagbiro na paano kung mauna si Ryan Christian, her son with Senator Ralph Recto, na ngayon ay 23 years old na pala. Tiyempo naman na pumasok sa kinaroroonan namin si Ryan. Ipinakilala kaming lahat ni Ate Vi sa anak niya na agad namang iniabot ang kamay para sa pakikipag-kamay.  Matapos noon ay binigyan ito ng summary ng Mama niya kung ano ang pinag-uusapan bago ito dumating.

 

“This is my friends—family friends…my son, Ryan,” pag-i-introduce ni Ate Vi. “That’s Ma’am Malou, Tita Malou…sinasabi kasi pini-pressure daw si Kuya [Luis] to get married and have a baby… tinatanong ni Anna Pingol, baka raw mauna ka pa, anak?”

 

Sagot ni Ryan: “Impossible.”

 

“See? See? Impossible!” tuwang-tuwa namang deklara ni Ate Vi.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.