WATCH: Sharon Cuneta at Regine Velasquez, magbibihis bubuyog at clown daw sa Iconic concert nila...bakit kaya?

Sa press conference kamakailan para sa nalalapit na Iconic concert nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez, pinipilit pigain ng entertainment press ang dalawang iconic singers na magbigay ng ilang clues kung ano’ng mga klaseng numbers at pakulo ang ihahain nila para sa kanilang mga fans. 

First time ever kasing magaganap ang pagsasanib-pwersa ng dalawang reyna kaya maituturing na hindi lang iconic kundi historic pa ang two-night concert nila sa Araneta Coliseum.

Pigil na pigil magbigay ng detalye ang dalawa dahil gusto syempre nilang maging surprise ang lahat. Pero nagbigay ng isang clue si megastar na ikinahagalpak ng lahat. Magko-costume daw siya ng clown, habang mag-aala-bubuyog naman daw si Regine.

Alamin kung bakit.

At malalaman natin kung gagawin nga nila ito sa October 18 and 19.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.