WATCH: Sharon shows how she tensed newbie actor on the set

Nanay ng baguhang magkapatid na Pam at Kent Gonzales ang role ni Megastar Sharon Cuneta sa upcoming horror flick na Kuwaresma ni Erik Matti.

At dahil nga mga baguhan—lalo na si Kent na produkto ng audition—nangangapa pa ang mga ito. Hindi naman talaga biro para sa isang baguhan ang ka-eksena mo agad ay ang megastar. Hindi naman naging madamot si Sharon na alalayan at i-motivate ang magkapatid. Pero kahit Sharon Cuneta na siya ay nagpa-alam pa rin siya sa mga ito na aalalayan sila. Hindi nga lang niya sinasabi kung kailan o saang eksena kaya may gulat factor sa mga bagets.

Pero sa kabuuan, nag-deliver daw ang dalawang bagets at proud si Sharon sa kanila sa nai-ambag nila sa pelikula.

“I am so proud, we are all so proud of the work that these two have done in this movie,” panimulang papuri ni Sharon sa dalawang newbie co-stars niya. “Considering…. si Pam lumalabas siya noon sa ilang TV shows lang as parang support for the main characters na mga ka-eded niya…si Kent, walang experience, in-audition lang ni Direk and nagulat nalang kasi malalim. 

“I am so proud that they have joined the business. They’re two good kids at kabilin-bilinan ko talaga sa kanila na wag magbabago… ‘Ganito yan, Kent, pag ganito na, pag magkakaroon ka na ng fans, kayo wag lalaki ulo, wag ganito-ganyan…’ At tinanong ko siya no’ng una if he would mind kung alalayan ko siya, remember no’ng first day? Pag kailangan, tine-tension exercise ko siya.”

At dito na nga ipinakita ni Sharon kung paano niya inilabas ang galit ni Kent sa isang eksena.