Winwyn Marquez, adik sa mga parusang work-out; mas type daw maging amazona kesa barbie

August 2019 nang magsimulang mag-post ng mga work-out photos—and later videos—ang beauty queen-actress na si Winwyn Marquez sa kanyang mga social media accounts.

Mula sa simpleng mga workout routines, kapansin-pansin na pa-level up nang pa-level up ang mga ginagawa niya—boxing, bars, at weightlifting.

Lahat ng ito ay bahagi pala ng kanyang CrossFit work-out program.

According to Wikipedia, “CrossFit is promoted as both a physical exercise philosophy and a competitive fitness sport, incorporating elements from high-intensity interval training, Olympic weightlifting...” at kung anu-ano pang mabibigat na klase ng exercise.

Tila ang kuya ni Winwyn na si Yeoj ang naghikayat sa kanya sa pagko-crossfit. Mas nauna itong sumubok dito. Aminado kasi si Yeoj that he was on the obese side noon at gusto na umano niyang maging healthy.

At dahil kapwa na sila na-adik, wika nga, sa pagko-crossfit kaya naman naging magka-tandem na sila rito. Katunayan, last February 2020 lang ay sumali sila sa kauna-unahan nilang CrossFit competition as a duo at nanalo lang naman sila ng first place overall. Proof na serious ang Marquez siblings sa napili nilang work-out/sport.

During the quarantine, hindi pa rin nagpa-awat si Winwyn dahil maski nasa bahay ay sumabak siya sa 30-day workout challenge. 

Sabagay, noon pa man ay alaga na ni Winwyn ang kanyang kalusugan lalo pa’t pinangarap niyang maging beauty queen—na natupad naman niya. Remember, she’s the first Filipino to win the Reina Hispanoamericana pageant in 2017.

Nakakapanibago lang siyang makita lately na dumbells at barbells ang buhat-buhat imbes na crown at scepter. 

Pero siya na mismo ang nagsabi na mas nanaisin niyang maging super woman—ala Amazona—kaysa maging Barbie.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.