Xia Vigor, from mini-me to pretty young lady (parang kelan lang...)

Viva child actress Xia Vigor has captured the hearts of the Filipino audiences... 

At nang bumida siya sa blockbuster na Miracle in Cell No. 7, ang Philippine adaptation ng Korean hit movie last 2019, lalo siyang minahal ng audience.

Marami ang pumuri sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang batang si Yesha. 

However, nawala sa TV at movie ang batang aktres magmula nitong 2020 kasabay ng pagsisimula ng Covid-19 pandemic sa bansa.

Nasaan na nga ba si Xia ngayon?

Bago natin alamin, silipin muna natin kung paano siya nagsimula sa showbiz. 

Nagsimula ang career ni Xiamara Sophia Bernardo Vigor o mas kilala bilang si Xia Vigor sa showbiz at the age of five nang sumali siya at manalo sa “Mini Me 2” segment ng noontime show na It’s Showtime noong 2015.

Ito ang nagbukas sa kanya ng mas marami pang opportunities sa entertainment industry.

Naging co-host s’ya ng It’s Showtime at napasali sa iba pang TV show ng ABS-CBN gaya ng Your Face Sounds Familiar: Kids.

It seems like this Filipino-British actress is born to be a star.

Una siyang napanood umarte sa teleseryeng FlordeLiza noong 2015. Pero mas nakilala si Xia nang bumida siya sa Langit Lupa kasama nina Yam Concepcion at Patrick Garcia. Pati na rin sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nakasasama rin siya sa ilang pelikula tulad ng My Perfect You nina Gerald Anderson and Pia Wurtzbach noong 2018 at Pamilya Blondina with Vice Ganda and Marco Gallo noong 2019.

Maliban sa husay niya sa pag-arte harap ng camera, si Xia ay isa ring fashionista, gymnast, at true-blue music lover. Multi-talented talaga.

At mukhang may balak pa s’yang maging director someday. 

Pero kung sa anong project siya pinakanag-ningning ang pag-uusapan...ito ay ang Philippine adaptation ng Korean hit movie na Miracle In Cell No. 7 noong 2019, kung saan gumanap silang mag-ama ni Aga Muhlach.

Nakatanggap pa siya ng award sa kanyang effective performance sa movie.

In January 2020, nag-renew si Xia ng kontrata bilang isang Viva artist. 

Sa ngayon ay 13 years old na si Xia and is all set for her showbiz comeback after ng kanyang pandemic hiatus.

However, na-miss man natin siya ng two years sa TV at pelikula, patuloy naman siyang active sa social media. 

Katunayan, meron na siyang 107,000 subscribers sa kanyang YouTube channel. 

At maliban sa kanyang palagiang pag-a-update sa Instagram, inaaliw din n’ya ang kanyang mga viewers sa TikTok, kung saan meron na siyang mahigit 519.6K followers and more than 9.2 million likes.

Paniguradong ikatutuwa ng mga naka-miss sa kanya ang kanyang movie comeback na mapapanood na very soon.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.