Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

Ang scheme ni aktor, kasabwat ang production in charge, ay kukuhanan siya habang bumababa ng kanyang luxury car sa lobby ng eventā€™s venue at ipa-flash sa mga LED screen sa loob ng eventā€™s place ang kanyang grand entrance. Kaso, hindi tumugma ang mga kaganapan sa nais niyang mangyari.

Video art/edit: Kat Jamilano

Ang scheme ni aktor, kasabwat ang production in charge, ay kukuhanan siya habang bumababa ng kanyang luxury car sa lobby ng eventā€™s venue at ipa-flash sa mga LED screen sa loob ng eventā€™s place ang kanyang grand entrance. Kaso, hindi tumugma ang mga kaganapan sa nais niyang mangyari.

Napurnada pala ang grand plan ng isang bidahing aktor sa in-attend-an nitong event kamakailan.

May bagong bonggang kotse kasi si aktor na first time niyang ibabalandra in public at tamang-tama sana ang nasabing event para ma-showcase iyon.

Ang scheme, along with the along with the production in charge, ay kukuhanan siya habang bumababa ng kotse sa lobby ng event’s venue at ipa-flash sa mga LED screen sa loob ng event’s place ang kanyang grand entrance.

It was a perfectly executed plan—sa imagination. Pero noong actual na ay hindi ito nangyari dahil hindi tumugma ang mga kaganapan. Nagka-traffic traffic na kasi sa lobby dahil sa napakaraming VIP’s na imbitado na makakapal ang mukang nagbitbit ng sandamakmak na alalay. Sa back-up cars palang ng mga ito, puno na ang lobby.

E, kailangan nang umentra ni aktor dahil kinukulang na sa oras. It’s antayin niya ang turn niya sa lobby o mapagsarhan siya ng so-called red carpet ganap dahil pasimula na ang event.

Wala siyang nagawa kundi bumaba ng kotse at bad trip na naglakad papasok ng venue.

Pero s’yempre, nang umilaw na ang spotlights at tumutok na sa kanya ang mga cameras pag dating niya sa red-carpet, ay all-smiles na siya na parang walang nasawing pangarap.

Natawa nalang ang ilang celebrities din na naka-amoy sa pandar sana na ito ng aktor. Napurnada daw kasi ang pagpapa-humble brag ng kanilang colleague.

Ang ipinagtataka lang namin, alam namin ay simple at humble nga ang aktor. May ganitong vanity na pala siya ngayon para sa kanya pa manggaling ang idea ng supposed grand entrance niya.

Oh well, lahat naman talaga p’wedeng magbago.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, nagpalobo ng asking price; G na G o ayaw magtrabaho?

Young actress na na-late sa taping, pinagsabihan ng senior co-actor na mag-sorry sa lahat nang pinaghintay niya

Aktor, wagi sa kanyang sex-toy business

Celebrity lady boss ng isang beauty brand, my secret liaison with a younger man

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.