User-friendly na, fake sosyalera pa

illustration: Kurl Gutierrez

illustration: Kurl Gutierrez

Dating BFFs ang dalawang aktres na ito. Pero bigla raw may nagbago ang pag-uugali ng isa kaya biglang nawasak ang kanilang pagkakaibigan.

Kuwento ni Actress A (AA), halos sister na raw ang turing niya kay Actress B (AB). Madalas daw mag-sleepover sa bahay ni AA si AB. At minsan, kapag galing sa pa-morningan na walwalan si AB, pupunta ito sa house ni AA para doon matulog.

Ipagluluto pa raw niya ito ng breakfast kapag nagising na ito at may nakahanda na ring lunch bago umalis si AB. 

Dagdag pa ni AA na welcome na i-raid ni AB ang kanyang walk-in closet kapag kailangan nito ng outfit o accessories para sa magdamagang party nito. Yun nga lang, hindi na raw ulit nakikita ni AA ang mga hiniram ni AB mula sa kanyang closet. Pero okey lang daw iyon dahil BFFs sila.

May ilang okasyon din na hinihiram ni AB ang kotse ni AA kapag sira ang sasakyan nito. Yun nga lang, kapag binalik ni AB ang sasakyan, bukod sa paubos na ang gasolina, para umanong na-ipo-ipo ang loob nito sa dami ng kalat at basura. Bukod don, may dagdag pang hindi magandang amoy.

Pero okey pa rin kay AA dahil katwiran niya, BFFs sila.

Dumating daw ang time na napapansin ni AA na may mga pagbabago sa ugali ni AB. Kung noon ay nakikinig daw si AB sa mga payo niya when it comes to boys, bigla na lang daw itong nagsusungit at tinawag pa raw siyang pakialamera.

Hanggang sa hindi na raw nagpaparamdam si AB kay AA. Tine-text naman daw parati ni AA si AB para kumustahin at sabihing welcome siya anytime sa bahay nila. Pero deadma si AB.

Noong tingnan ni AA ang social media accounts ni AB, nakita niya na may mga bagong friends na ito. Mga sosyalin at yayamanin na mga party people. Yon nga lang, ang suot na outfit ni AB sa ilang posts ay galing sa closet niya.

Tinanggap na ni AA na nag-iba na ang mundo ni AB. Iba na ang circle of friends nito. Pero turing pa rin niya rito ay BFF.

Minsan nang may isang nag-comment sa photo nito na isa itong “social climber.” DSuper tanggol si AA kay AB. 

Ang masaklap lang, imbes na nag-thank you si AB kay AA, in-unfollow pa siya nito sa Instagram at in-unfriend siya sa Facebook!

Hindi ma-gets ni AA kung bakit ganu’n ang treatment sa kanya ni AB. Na parang hindi sila naging magkaibigan. Kaya doon na nagising sa katotohanan si AA na ang dati niyang BFF ay wala na kaya tinapos na niya ang anumang communication dito.

Almost five years na walang nababalitaan si AA kay AB. Naka-move on na siya sa dati niyang friend. Hanggang sa magkita sila, by accident, sa isang boutique sa mall.

Dahil naka-face mask, sinipat muna ni AA kung si AB iyon. Noong marinig niya itong magsalita, nakumpirma niya na si AB iyon. Pero dahil di na sila BFF, di siya lumapit dito para batiin at kumustahin.

Laking gulat na lang ni AA nang si AB ang lumapit sa kanya. Dahil sinusunod ni AA ang social distancing, di niya niyakap ang dating BFF.

Kinumusta siya ni AB. Say nito sa kanya, nami-miss na daw siya. Pero ramdam ni AA na pina-plastik lang siya ni AB. Mabilis na nagpaalam si AA dahil wala naman siyang masasabi pa kay AB. 

Ang nakakatawa pa, ang gamit na Louis Vuitton bag ni AB ay ’yung hiniram pa nito kay AA na di na binalik. 

Tulad ng kanilang friendship, ibinaon na ni AA sa limot ang LV bag na iyon.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Rich girl ang solusyon ni kuya para sa naghihirap na kapatid

Diehard fans ng beteranang aktres, walang takot mahawa at makahawa ng COVID-19

Asking price ng aktres, ikinabaliw ng producer

VETERAN ACTRESS, BAD EXAMPLE

Male TV host na praning sa Covid, nagde-deny na artista siya pag may nagpapa-selfie’ng fans

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.