Yayamanin pero binata pa rin

Illustration: Eric Flaminiano

Illustration: Eric Flaminiano

Halos bumula ang bibig ng isang young actor sa pagkuk’wento ng kanyang paghanga sa bida ng teleseryeng minsan niyang nasamahan. Bukod daw kasi sa maayos nitong pagmamaniobra ng career nito ay ubod na raw pala talaga ng yaman na ang binata pa rin hanggang ngayong teleserye lead.

 

“Mag-isip ka ng prime area sa Metro Manila, may condo unit siya don,” narinig ng PikaPika na tsika ni young co-actor about his idol.

 

The young co-actor went on: “Nag-inuman kami sa Ortigas, sabi namin, ‘O, malayo pa bahay mo.’ He says, ‘May condo ako sa ganito…’ Minsan, nasa Makati kami, sabi na naman niya, ‘May condo ako sa diyan.’ And these are not simple condos, huh? Ang galing! Ang galing niya humawak ng pera. He has properties everywhere. Lupain, sports cars…Saka grabe ang foresight. He’s really set for life.”

 

Pero mas naintriga kami na umiinom pala ang yayamaning wholesome actor?

 

“Oo, pero quietly. He makes sure na tago ang grupo. Hard drinks ang kanya. Pero alalay lang. He’s really disciplined,” say pa ni young co-actor.

Lodi talaga si Promdi…Lodi o loaded?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.