IN PICTURES: Tamis-tamisang JaDine Moments sa Cr3w Concert

PHOTOS: Melo Balingit

PHOTOS: Melo Balingit

Highly-anticipated ang number ng JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa The Cr3w Live in Concert na ginanap sa Araneta Coliseum last April 5. Of course, si Nadine ang guest sa solo segment ni James, habang si Coleen Garcia naman (na nag-aerial dance) ang guest ng husband niyang si Billy Crawford na matagal nang hindi nakakapag-perform sa malaking crowd. Ang loveless naman na si Sam Concepcion, for his part, ay si Yassi Pressman ang guest at nag-upbeat number silang dalawa.

Bagama’t malakas ang tilian sa tuwing lalabas ang heartthrob na James on stage, nadoble ito nang lumabas na si Nadine. Nakasakay sa Nadine sa isang malaking mechanical floral duyan na nakasabit sa dingding ng Araneta Coliseum. Unti-unti siyang ibinababa sa stage habang naghihintay naman ang lover boy na si James.

Kinanta ng real-life sweethearts ang hit single nilang “Summer,” na isang sexy slow rock—both in lyrics at sa areglo—na produced by James’s Careless Music production. Reportedly, si Nadine naman ang nag-direk ng music video nito na nag-trending—at patuloy na humahakot ng views online—early this year.

 

Part of the song goes:

“I want all summer with you
Boy let's get in trouble
Drive through the city with you
Lets leave it in rubble
Run from the bullshit with you
Let's hide in the covers
I feel there's something with you
Can I be your lover?”


Sinangkapan pa ang song number ng napaka-steamy choreography kaya naman abot-abot ang tili ng mga JaDine fans sa tuwing magdidikit ang mga katawan nina James at Nadine.

Pagkatapos ng kanta ay masuyo pero madiing hinalikan ni James ang pisngi ng girlfriend na halatang may halong paglanghap sa bango nito. Nag-wild na naman ang crowd. 

Muling hinalikan ni James sa pisngi si Nadine bago ito magpa-alam sa audience. At dahil sa tamis-tamisang moment nila na iyon ay tinukso sila ng crew-mates ni James na sina Sam at Billy na kunwaring nagyapakan pa. 

Very upbeat and visually appetizing ang kabuuan ng The Cr3w Live In Concert pero hindi maitatangging ang highlight nito para sa mga tagapanood ay ang JaDine Moments onstage.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.