Sa set ng 1991 action-romance movie na Utol Kong Hoodlum nagkakilala sina Robin Padilla at Vina Morales. Pero sa Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 umano sila nagka-inlaban in real life.
Bentang-benta, hindi lang sa audience, kundi pati sa mga leading ladies niya noon ang trademark gangster swagger at pananalita ni Robin kaya naman maski ang batang-batang si Vina Morales at that time ay na-fall kay Bad Boy. He was, in fact, her first boyfriend.
Tumabo nang husto sa takilya ang Utol Kong Hoodlum (kaya nga nagka-Part 2). Tungkol ito kay Benhur, isang modern-day Robinhood na frontman ng isang syndicate leader (Mark Gil) na nangongotong sa mga jeepney drivers. In turn, ang kinikita niya ay pantustos niya sa mga adoptive parents niya na marami pa ring ampon na kabataan.
Pero dahil gustong mag-level up ng boss, inutusan niya si Ben na mang-kidnap nalang ng mga bata, starting with a haciendero kid, Bing (Vina Morales) na na-meet niya accidentally—or cinematically—at a park.
S’yempre ayaw ni Ben dahil gusto na niyang kumalas sa sindikato. But the boss won’t have it kaya inuna na nitong i-abduct ang kanyang adoptive parents. At bilang kapalit, sumunod si Ben sa utos ng boss.
But of course, may plano ang bida. He’s no hoodlum for nothing.
Kung nakalimutan n’yo na ang ending, you can rewatch Ang Utol Kong Hoodlum in full and for free!
Just click the video link below:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber