Anne, mabibigyan na ng honeymoon date si Erwan

Anne, mabibigyan na ng honeymoon date si Erwan

Nine months after maikasal sa kanyang boyfriend of six years na si Erwan Huessaff, mabibigyan na sa wakas ni Anne Curtis ng honeymoon ang asawa.

November 12, 2017 nang maganap ang romantikong kasal nina Anne at Erwan sa Queensland New Zealand. Pagkatapos noon ay agad na bumalik ng Pilipinas ang mag-asawa para harapin ni Anne ang sangkaterbang commitments na naiwan niya kabilang ang one-year-in-the-making na pelikulang Buy Bust, ang blockbuster na Sid & Aya: Not A Love Story, at ang Metro Manila Film Festival 2018 entry na Aurora.

Hindi pa kabilang doon itong August 18, 2018 anniversary concert niyang Anne Kulit Promise Last Na ’To, na isang biglaang project.

Bagama’t happy si Anne na tuloy-tuloy ang mga projects niya, pero after daw ng kanyang Anne Kulit concert ay maghihinay-hinay siya sa mga projects para mabigyan naman niya ng oras si Erwan at ang matagal na nilang na-postpone na honeymoon.

VIDEO by Anna Pingol

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.