Exclusive: Andre Yllana, game maging escort ni Awra Briguela sa JS prom

Kung may ikinaiinggit daw nang slight ang aktor na si Andre Yllana sa kanyang mga kaibigan, ito daw ’yong never n’ya na-experience na dumalo sa isang Junior-Senior Prom noong high school. 

 

Inamin n’ya ito sa exclusive interview ng pikapika.ph sa kanya kamakailan.

 

Kabilang kasi ang panganay nina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa cast members ng digital series na The Seniors kaya napa-throwback nang bahagya ang usapan sa panahong nasa high school s’ya. 

 

“’Yon [JS Prom] ang hindi ko naranasan, ’yon ang ikinaiinggit ko sa kanilang lahat,” pag-amin ni Andre. 

 

Sa mga hindi nakakaalam, sa all-boys school kasi nagtapos ng high school ang aktor kung saan wala namang ganoong school event. 

 

At dahil na-miss n’yang maranasan ito, natanong namin si Andre kung sakaling magkaroon s’ya ng chance na maka-attend, hypothetically, sino sa mga co-stars n’ya sa The Seniors na sina Awra Briguela, Andrea Babierra, Ella Cruz, at Julia Barretto ang napupusuan n’yang isama. 

 

“Sino sa apat? Kahit sino sa kanila,” sagot n’ya.

 

Wala daw problema sa kanya kung ang loud and proud LGBTQ+ member na si Awra ang magiging prom date n’ya. 

 

“Actually, game ako kung si Awra kunwari ang makakasama ko. Game ako. Kasi sobrang…iba na ngayon, e. So parang who would care kung si Awra ang kasama ko,” paliwanag pa ni Ande. 

 

“Ang importante naman mag-enjoy kayo nang buong gabi. Nakikita ko naman kung si Awra ang makasama ko du’n mag-e-enjoy ako nang malala.”

 

Dagdag pa ng Viva actor, hindi naman daw s’ya allergic sa pagkakaroon ng beki friends o kahit magka-crush pa ang mga ito sa kanya. 

 

“Na-experience ko po ’yon… I consider it as a complement po,” aniya.

 

Aniya pa, kahit daw all-boy’s school ang pianggalingan niya ay na-enjoy pa rin daw n’ya nang husto ang kanyang high school life, kung saan nagkaroon din daw s’ya ng mga ka-tropang bekis. 

 

“Nagkaroon po ako ng friends na beki din po. Hindi naman naging issue sa akin ’yon kasi sa totoo lang, ’yong mga beki po, ang sasarap nilang maging kaibigan kasi sila po ’yong napakatunay. Pag sinabi nilang ganito, ’yon talaga,” pagtatapos ni Andre.

 

Mapapanood si Andre, together with Awra Briguela, Andrea Babierra, Ella Cruz, and Julia Barretto,  sa digital series na The Seniors simula March 20 sa Vivamax.

 

Sa ngayon, panoorin ang kabuuan ng pikapika.ph interview ni Andre Yllana by clicking the link above.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.