Exclusive: Kung si Jeric Raval ang masusunod, ayaw niya munang magkarelasyon ang anak na si AJ kay Aljur Abrenica

Nasa maayos naman daw na kalagayan ngayon ang anak niyang si AJ Raval, ayon sa action star na si Jeric Raval. Ito ay matapos itong mag-desisyon na mag-social media detox muna following her inclusion sa masalimuot na isyu ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

 

“Doon naman sa batang ’yon hindi naman ako nagkukulang sa pangaral,” pagtukoy ni Jeric sa anak. “Basta ang sinasabi ko lang po, kailangan nasa ayos ang lahat. At saka pangit naman kung ang lumilitaw na third party ay siya.

 

“Okey naman po siya,” patuloy niya about AJ. “Okey naman po. Pati po ’yong mga kapatid niya, pinapangaralan po siya. Basta sa amin po, wala naman pong masamang tinapay. Basta lahat, uulitin ko lang, gaya po ng nasabi ko basta lahat nasa ayos. Wala naman pong magiging problema.”

 

Ibig bang sabihin ay kung siya ang masusunod ay wag muna sanang pumasok sa relasyon sina AJ at Aljur?

 

“S’yempre, wala naman pong magulang na gusto ’yong anak niya, e, nasa awkward na situation o nasa alanganing kalagayan. S’yempre lahat naman po tayo, lalo na babae ’yong anak mo, gusto ninyo maayos ’yong kalagayan. 

 

“S’yempre ’yon naman po ’yong sinabi ko. Sabi ko mismo doon sa lalaki, kailangan nasa ayos lahat. Sana naintindihan mo ako. Lalaki ka rin naman, may anak ka. ’Yon naman po ang sinabi ko.”

 

Para sa kabuuang interview, please click on the video above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.