Exclusive: L star Stephanie Raz, pinagpalit ang boyfriend sa showbiz

December 2021 nang ipakilala si Stephanie Raz sa pelikulang Pornstar 2: Ikalawang Putok ni Direk Darryl Yap alongside Ayanna Misola, Cara Gonzales, at Sab Aggabao. At pagkatapos noon ay nagkanya-kanya na silang mga projects sa Vivamax.

 

Stephanie, who is Stephanie Razote off-cam, had since been part of three Vivamax projects: Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2; Hugas, at ang kasalukuyang nag-i-stream na L trilogy series, where she is playing as the girlfriend of Vince Rillon na na-obssess sa kanya.

 

Actually, tatlo daw silang magkakapatid na na-sign up ng Viva (as co-managed by Aster Amoyo), ang dalawa pa ay sina Angela Morena and Micaella Raz. Naisali na si Angela sa Kinsenas, Katapusan (launching movie ni Ayanna Misola); habang kasali naman daw sa Island of Desire remake si Micaella na tapos na din yatang i-shoot. Nagkataon lang na mas nakarami na siya ng projects.

 

Bata palang daw silang magkakapatid, gusto na nilang sundan ang yapak ng aunt nilang si Lara Morena, isa sa mga top sexy-drama actresses noong 90s kasabayan nina Aya Medel, Ana Capri, Ynez Veneracion, among others.

 

And even Lara was encouraging them. Katwiran nito, sa simula lang naman ang pagpapa-sexy. Guma-graduate din naman doon at nagiging mainstream drama actresses later on, gaya sa case niya. Kaya nang inalok silang magkakapatid ng Viva, they readily said yes. But

 

Armed with good looks lang si Stephanie noong una. Pero zero confidence daw siya. But after four projects with the first one on the way, mas matapang na raw siya at kaya na niyang magka-launching movie gaya ni Ayanna Misola. “Dapat nga po, may launching na ako, napunta sa iba. Pero hindi ko naman po dinamdam kasi alam kong baka hindi ko pa time.”

 

Barely five months in showbiz, na-realize daw ni Steph na hindi pala madaling mag-artista. Dapat daw pala ay magaling ka sa time management at pakikisama. Nakakapagod rin daw palang mag-shooting. Ang impression kasi nila noon ay parang madali lang naman.

 

But now, nagagamay na niya ang grind. At malaki na nga raw ang itinaas ng self-confidence niya. However, hindi pa rin niya gini-give up ang studies niya tutal ay graduating Tourism student na siya at para may back up siya sakaling showbiz didn’t work out.

 

But as it is, na halos walang patlang sa mga projects niya, things are definitely working out.

 

Yon nga lang, she had to make some sacrifices and this included her love life. When she decided nga raw na pasukin ang showbiz at ang pagpapa-sexy, kinailangan nilang mag-break ng kanyang boyfriend.

 

“Pero naiintindihan naman po niya,” maikling tsika sa amin ni Steph.

 

And right now, concentrated nga raw ang isip niya sa pag-aartista. Gusto niyang mas i-hone pa ang acting skills niya lalo pa’t ito na nga ang pinili niyang landas. Moreover, aware siyang hindi lahat ay nabibigyan ng chance that was given to her at ayaw niyang sayangin ’yon.

 

Samantala, nag-start nang mag-streaming ang L trilogy sa Vivamax noong February 17. Naisalang na ang first episode na “Larawan” at kasunod na ang “Liko” on March 6 at sa March 13 naman ang “Lipat,” Among the other sexy actresses (Cara Gonzales, Ayanna Mislo, at Chloe Barretto), ang character niya bilang babaeng kina-obssess-an ni Vince Rillon ang tanging nakatawid sa tatlong episodes dahil recurring siya sa pinagtahi-tahing istorya kaya naranasan niyang mai-direk ng tatlong directors na sina Topel Lee, EJ Salcedo, Roman Perez, Jr. and she finds that challenging at nakadagdag sa mga bagong kaalaman niya sa pag-arte.

 

To get to know this Pampangueña beauty, panooring ang aming exclusive interview by clicking the video link above.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.