Exclusive: Nadine Lustre, aminadong naging “greedy” din noon sa mga materyal na bagay pero....

Umikot sa pananalo ng lotto na mauuwi sa pagdanak ng dugo dahil sa kasakiman ang tema ng comeback movie ni Nadine Lustre.

 

Kahit maaliwalas na maaliwalas ang aura ni Nadine dahil in love, dark ang napili niyang genre sa pagbabalik acting. Tila thirsty kasi siya for change. For the longest time nga naman ay napako siya sa romance and there seems to be a great desire to grow as an actress.

 

Biro nga namin, Urian best actress na siya (for Ulan). Wala ng dapat patunayan. Pero sa sarili daw niya ay meron pa.

 

‘’’Di ba gano’n naman po ’yon, pag may na-check kang isa [sa bucket list], meron ka namang bagong gustong magawa.”

 

At dahil Greed ang title ng movie niya, doon nalang kami naglaro ng tanong sa ibinigay niya sa aming exclusive virtual sit-down interview.

 

Isa sa naitanong namin ay kung may parte o pagkakataon ba sa buhay niya na naramdaman niyang naging greedy din siya.

 

Meron daw.

 

Pero tila na-equate niya ang greediness sa pagiging bulagsak sa pera.

 

 

 

“S’yempre no’ng kasagsagan namin before sa OTWOL (On the Wings of Love), ang daming pumapasok na projects, ang daming endorsements, so magastos po ako noong time na ’yon... mga materail things—clothes, mga bags, shoes...anything.

 

“Hindi din po ako naging maingat sa pera. Medyo waldas din po ako no’ng time na ’yon,” pag-amin niya.

 

“As in kung anu-ano...even food or pag lalabas po kami, pag magna-night out po kami, gastos, ganyan, pag maglilibre...” patuloy niya.

 

Actually, she wasn’t greedy. She was being overly generous nga—sa ibang tao at sa sarili.

 

“Ako naman po kasi ever since hindi naman po ako...how do I say it...kumbaga hindi ako ma-ano sa pera. Kumbaga, ayoko nang hinahawakan ’yong pera. Kasi for me, gusto ko po ’yong ine-enjoy ko siya.

 

Ayoko po no’ng pagtanda ko sabihin ko sa sarili ko na, ‘Ay, sana pala ginawa ko ’to, sana pala binili ko ’to.’ Alam mo ’yon? Ginastusan ko ’yong sarili ko. Ayoko po kasi no’ng me regret ako pag tumanda ako.”

 

And now that she’s of age (marrying age, char!), naisip daw niyang meron naman siyang p’wedeng paglaanan ng mga naipon niyang gamit during her spending spree days.

 

“Tapos, ngayon din po na medyo matanda na ’ko—kasi medyo ilang years na din po ’yong time na ’yon—ngayon po, parang mas naiisip ko na ’yong pag mga designer or clothes, basta ’yong mga gamit ko, mga jewelry, inisip ko na din po na actually, okey lang din naman pala kasi pag may apo na ako o pag may anak na ako, at least maipapasa ko.”

 

Hindi raw niya kasi naranasan ang mapasahan ng heirloom.

 

“Kasi wala po akong ganoon,” natatawang real talk niya. “’Yong mom ko saka ’yong lola ko, wala pong naipasa sa akin. Hahaha! So, ako ngayon na medyo nandoon na sa edad na ’yon, parang wish ko na meron sana silang naibigay sa akin na heirloom. E, wala po.

 

“So, sabi ko talaga sa sarili ko, etong mga binili ko, itatago ko para pag nagkaroon ako ng anak o ng mga apo, ibibigay ko sa kanila.

 

“For the future na ’yong iniisip ko.” (Ehem!)

 

Marami pa kaming napagtsikahan ni Nadine about her new movie, which she’s very excited about, and teeny-weeny bit about her France vacation.

 

To know more, please watch our full interview by clicking the video above.

 

In the meantime, Greed, which also stars Diego Loyzaga and Epy Quizon, is available for streaming on Vivamax starting April 8.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.