Exclusive: Sunshine Guimary, hihingi daw ng basbas kina Vice Ganda at Kim Molina bago “ikama” sina Ion at Jerald

Malamang ay nasa Tagaytay na by now si Braless Goddess Sunshine Guimary kasama ang buong cast ng launching flick niyang Kaka.

 

Buti nalang at bago tumulak ng Tagaytay ang sexy, maganda, at kalog na Cebuana ay naka-one-on-one tsika muna siya ng pikapika.ph.

 

Ani Sunshine, tuwang-tuwa daw siya nang sabihan siya ng Viva na magkaka-movie na siya. Ang siste, akala niya, bit player o support lang siya bilang newbie pa nga lang siya. Kaya nong ipadala daw ang script, agad niyang hinanap ang name niya at kung ano ang role niya.

 

No’ng na-realize niya na siya si Kaka, ang title role, ang tuwa ay nahaluan daw ng tension. Hindi pa man, nape-pressure na siya. Akalain mo nga naman kasi na tumalon na siya sa pagsu-support, launching movie na agad...bida agad!

 

At mas nadagdagan daw ang tension niya nang malamang sina Ion Perez at Jerald Napoles ang leading men niya. Admittedly, mas takot siya hindi sa dalawa kundi sa mga real-life dyowa nila, especially kay Vice Ganda.

 

Biniro nga namin siya na wag niyang akitin si Ion para hindi ma-fall. Say naman niya, pagkatapos dawn ng take ay behaved na siya. Haha!

 

May mga bed scenes siya sa dalawa at dapat nga daw sigurong humingi muna siya ng basbas kina Vice at Kim Molina. Pero siya na rin naman ang kumambyo na alam naman daw niyang kapwa professional at supportive ang mga ito.

 

Bukod kina Ion at Jerald, kasama din sa Kaka ang mga heavygats na sina Rosanna Roces at Ms. Gina Pareño. It’s to be directed by GB sa Pedro.

 

Goodluck, Sunshine!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.