Rob Guinto, naudlot ang pagso-showbiz noon dahil sa selosong boyfriend

Second chance na pala sa Viva ng promising newbie actress na si Rob Guinto. Naudlot daw ang dapat sana ay una niyang salang sa pag-aartista dahil ayaw ng afam (foreigner) niyang boyfriend. Hindi daw nila naiiwasan noon ang mga selosan. 

 

Nag-break din naman sila last year and her wanting to try showbiz, after modelling for a few years, was just one of their issues. 

 

Kaya when the opportunity knocked again, hindi na niya pinakawalan. This time, mas naging desidido na rin daw siya since wala ding karaketan, so to speak, sa modelling dahil sa pandemic whereas nagkaroon naman ng mga bagong opportunities sa Viva dahil sa Vivamax.

 

Wala daw siyang naging qualms nang latagan siya ng mga sexy roles. Katwiran niya, nagpapa-sexy na rin naman s’ya sa TikTok at sa iba pa niyang social media contents. Why hold back pa nga naman. Besides, wala ng boyfriend ba magseselos at very open-minded at supportive ang kanyang family.

 

Ang speaking of boyfriend, wala daw sa isip niya ito at this point lalo’t fresh pa ang kanyang breakup. Kahit sa mga leading men niya sa pelikula ay may nagaganap daw na pagho-hold back sa part niya once they’re off cam. She doesn’t even want to entertain the thoughts na may maka-mabutihan sa showbiz dahil ayaw niyang ma-derail ang focus niya.

 

Pero ibang usapan on-cam.

 

Pag doon, bigay-todo raw siya. Pinasok na nga naman niya kaya pangangatawanan na niya. In fact, dito sa latest movie niyang X-Deal 2, she didn’t even think twice doing a steamy lesbian love scene (with Angela Morena). Wala rin siyang naging hesitations sa threesome scene nila (with Yosef Elizalde). 

 

But that’s Violet, her character. In real life, as Rob, hindi niya raw kering pasukin ang similar situation,

lalo na ang threesome. Di daw niya kaya i-share ang mahal niya with another human at feeling niya mai-insecure siya when a guy proposes to engage in that. Magkaka-felling “not enough” daw siya.

 

In real life din, hindi rin daw siya ang tipong pa-fall sa mga tibash. Nililinaw daw niya agad sa mga umaaligid na she’s not into at wala siyang ibang mao-offer kundi friendship. I short, hindi siya pa-fall tapos ay mag-iiwan sa ere. That way, wala nga namang magkakasakitan later on.

 

Anyway, umangkla sa konsepto ng YOLO or “you only live once” ang istorya ng X-Deal 2. It engages the audience to think up to what extent pwede maging adventurous sa mga desisyon sa buhay in the name of living in the moment? 

 

And if they dared being adventurous, are they prepared for the consequences? 

 

’Yan more or less ang lalakbayin ng istorya ng X- Deal 2 na iikot sa tatlong characters—a guy, his girlfriend, and his bisexual ex-girlfriend na natipuhan ang kanyang present girlfriend. Bakit sila hahantong sa pag-e-ex deal? At Bukod sa kama, saan pa kaya sila dadalhin ng kanilang pagyo-YOLO.

 

Watch Rob Guinto in her first starring role in the Vivamax Original, X-Deal. It starts streaming today, March 25, only on Vivamax.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.