This is Showbiz #33: Kim Molina & Jerald Napoles, never inakalang magiging mga bidahin

Ang KimJe tandem nina Kim Molina at Jerald Napoles ay ipinanganak sa teatro, sa PETA to be exact, nang successful nilang naitawid ang hit musical na Rak of Aegis (ROA) na naka-ilang seasons din. Kimerald pa nga ang tawag sa kanila doon.

 

Bukod sa naging hit onstage tandem sila, naging mag-dyowa din sila in the course of the ROA run.

 

May mga projects na din naman sila, apart from theater, prior to ROA, especially si Je (palayaw ni Jerald) na strong ang presence sa indie movie scene.

 

Pero iba ang nagawa sa kanila ng pinag-usapang ROA. Mas napadali, ikaw nga, ang pagko-cross over nila sa mainstream showbiz industry. Namayagpag si Kim sa ABS-CBN, habang si Je naman ay nakahanap ng lugar sa GMA-7.

 

Year 2019 ng kapwa sila nabigyan ng mga leading roles sa pelikula—si Kim sa MOMOL Nights (with leading man Kit Thompson) at Je naman sa The Write Moment (alongside Valeen Montenegro). Pero sa pelikulang #Jowable ni Darryl Yap mas na-solidity ang pagka-lead star ni Kim, what with the movie earning more than 100M. At kahit support lang si Je sa #Jowable, malaki ang naiambag ng presence niya to make the movie the success that it was.

 

Both being managed by and under contract with Viva, mas nabigyan ng chance ang mag-sweetheart to expand their horizons. Je is being molded as a sexy-comedy actor (Pakboys Takusa and Kaka), habang si Kim naman gets hosting/judging jobs (Masked Singer Pilipinas and Born To Be A Star) in between doing bida movie roles.

 

This time around, pinagsama na naman sila ni Direk Darryl Yap sa isang pasabog na pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na bagama’t si Kim ang title role ay mukang equal parts ang kanilang exposure sa movie. Mukang ito na ang lalabas na official loveteam movie nila!

 

However, while filming Kaka, kung saan gumanap si Je bilang isa sa dalawang leading men ng newcomer na si Sunshine Guimary, lumabas ang isyung “selos” sa part ni Kim Molina. Sa bibig na rin kasi ni Je nanggaling—during the Kaka virtual press conference—na diniscuss niya with his girlfriend Kim kung paano ang execution ng mga sexy scenes niya with Sunshine.

 

Kaya noong press conference naman para sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam, hindi rin naiwasang matanong si Kim mismo about it. At hindi naman niya dinenay na nakaramdam siya ng discomfort in knowing in her head na may ibang yayapusin ang kanyang boyfriend.

 

Nang mabigyan naman ng chance ang pikapika’s online show This is Showbiz to have a sit-down interview with the couple, we took the chance na mas himayin pa ang quote-unquote issue. 

 

At hindi naman naging madamot ang mag-Baby sa paglalatag ng kanilang naging karanasan. 

 

Ani Kim, ang basic na pinaggalingan ng lahat ay the fact na never niang inakalang dalawa na darating sila sa punto ng career nila magbibida sila sa mga pelikula at sa pagbibida nila, kalakip no’n ang posibilidad na may makaka-romansa silang iba onscreen. Nasa proseso pa silang nangangapa sa bagay ’yon. 

 

Muli ay inamin na Kim, na oo, nakarmdam siya ng pagka-“aning” lalo pa’t considered first boyfriend niya si Je (dismissible daw kasi ’yong naunang puppy love).

 

“Hindi namin inasahan na mag-gagawa kami ng movies na ganito...na magli-lead kami,” panimulang esplika ni Kim. “Tapos especially ako kasi I’m very particular with touch, with kisses ganyan. Jerald is my second boyfriend palang tapos ’yong first boyfriend ko puppy love. ’Yong basically parang si Jerald talaga ’yong first boyfriend ko talaga, e, ’yong kilala ng magulang ko, ’yong tanggap... si Jerald talaga ’yong first ko. 

 

“So, it was hard for me at first kasi ’yon nga po ’yong idea na, ‘Hala iba ’yong yayakapin niya, iba ’yong hahalikan niya...’ Ganyan. Pero kinailangan ko rin tanggapin siya. I had to be very matured about it since we’re both professional, we’re both actors and I had to sink it in nang dahan-dahan.”

 

Kung tutuusin, mas nauna pa ngang pagdaanan ni Je ang feeling ng discomfort na nararamdaman ni Kim dahil naunang nag-sexy comedy project si Kim via MOMOL Nights. 

 

Nakadagdag din sa fear factor ni Kim ang fact na maglo-lock in taping si Je at that time to shoot Kaka as compared sa MOMOL Nights shoot ni Kim na nagkikita sila after ng shoots nito. Kaya gets na gets naman daw ni Je ang pinanggagalingan ni Bebegirl niya.

 

“Kasi basically nga first time niya na harapin ’yong ganu’ng sitwasyon na...lalaki po kasi ako, kahit papa’no s’yempre mas maiisip ng babae na first time niyang haharapin ’yong ganu’ng sitwasyon,” paliwanag ni Je. “Paano ba niya haharapin? Gaya ng sinabi ko sa presscon na pag artista ka kasi kailangan mong tanggapin ’yong ganu’n kung couple kayo na celebrity.

 

“Sa normal na tao kasi ’yong intimate session kayong dalawa lang. Pag sa iba ’yon, cheating na ’yon, diba? Pero sa atin, sa amin po, sa profession namin, talagang call for work siya.

 

“Natakot ako baka kasi kung ano’ng maging reaction niya... lock-in. Baka kung ano ’yong maging isipin, kung ano ’yong mangyari. Pero napatunayan ko naman po, maski naman po si Miss Sunshine [Guimary] at sa lahat po ng mga kasali sa cast at sa prod, nakita naman po nila kung pa’no ako magtrabaho.”

 

Sinang-ayunan naman ni Kim ang dyowa. Aminado siyang malaki ang contribution ng lock-in shoots kung bakit siya nagka-“aning” factor. First time din daw kasi niang mawawalay nang matagal sa isa’t isa after more than a year of living-in together. 

 

“I think ’yon din po ’yong isang factor doon kung bakit kami nagkaroon ng discussion about it..  it’s because of the fact that lock-in [shooting] siya compared to what I did MOMOL na after the shoot p’wede akong makipagkita kay Je

 

S’yempre nailang ako. First ko din po’ yon and natakot rin ako ano’ng magiging reactions niya [Je]. Pero p’wede kayo magkita after [shoot]. P’wede namin pag usapan na, ‘Okey lang ito...’ Makapag-banlaw... na, ‘Trabaho lang ’to, okey lang yan.’

 

“But the idea of your partner being locked-in in a location and knowing what’s gonna happen ta’s first time pa namin...medyo nakapag aning-aning sa aking utak ...tao lang din...”

 

“Alienating ’yong idea, e,” dagdag ni Je.

 

“So, it’s really hard,” pag-amin pa rin ni Kim. “Nakasama rin po ’yong chapter na first time namin maghihiwalay nang matagal na magkasama kami ng isang taon dahil sa pandemic. So, it was also a huge factor.”

 

Pero maisusumpa naman daw ni Je na p’wede siyang candidate for sainthood during the Kaka filming dahil behaved daw siya to the max.

 

Maisusumpa ko po ’yon,” paniniguro ni Je. “Ang makakapagsabi na lang po diyan ’yong mismong partner ko. ’Yon na lang kasi s’ya ’yong pinaka-magiging target kung magiging sira ulo ako doon, e.”

 

But all’s well that ends well. Mas bukas na raw ang isip nila, lalo na ni Kim, tungkol sa mga bagay na ito. 

 

“I also thought I shouldn’t be selfish kasi nag- Momol Nights ako, e. Nu’ng nag-Momol Nights po ako, Jerald was very supportive. But also meron din siyang mga, ‘Pa’no ito gagawin?’ ’Yong kailangan kong i-explain  sa kanya na ganito ’yong eksena, ganyan. Tapos, tinanggap niya nang buong-buo.

 

“Kung ako naman hindi ko siya tatanggapin nang buong-buo, bakit naman ganu’n? I’m very selfish naman as girlfriend. I’m full support sa career ni Je na kung ano’ng gagawin niya susuportahan ko, he just needed to explain it to me ’cause he knows me when it comes to touch, ganyan.”

 

Ani Kim, tanggap na niya nang buong-buo na kasali anhg mga ganitong scenario sa buhay nila bilang artista. Tanggap na rin niyang bagay sa sexy-comedy projects si Je kaya hindi na siya magiging mausisa next time.

 

“At the end of the day, I also told him and I told the bosses na, wala dumaan lang talaga ako sa ganu’n. And I was very honest with my feelings and I also told Boss Vincent [del Rosario], sila Boss Vic [del Rosario], si Ate Veronique [del Rosario] na ganu’n po ako. I even apologized nga, e. ‘Sorry po kung ang dami kong tanong. Ayoko naman pong manghimasok sa career ng boyfriend ko.’ 

 

“I want him to do everything and anything na gusto niyang gawin... to explore his artistry. So, kung merong magtatanong man kung papayag ka ba na gagawa uli si Jerald ng ganu’n? Of course, yes. One hundred percent, papayag po ako na gumawa ulit si Jerald ng sex-comedy film because I already went to the process. I already talked to myself in the mirror na, ‘Hoy, umayos ka. Artista kayo. Professional lang.’”

 

“S’yempre ang image ni Jerald is like that. I just needed to go through it. But other than that, I know where we stand, our relationship is solid, and I know our goals together and individually. So, yes.”

 

However, ang pelikula nilang Ang Babaeng Walang Pakiramdam (ABWP) ay hindi po sexy-comedy film kundi isang dramedy. Ang tanging sexy doon ay si Kim at ang kanyang superhero costume. 

 

Ang ABWP ay tungkol sa isang babaeng may rare condition ng Congenital Insensitivity to Pain at kung paano niya itinatawid ang buhay na punong-puno ng pain. Ang ironic ba?

 

Base sa trailers na naka-25M plus views na, sagad sa katatawanan ang pelikulang according to Je ay favorite niya among the many he’s done. Pero dahil tatak-Darryl Yap, paniguradong may kurot ito sa dulo.

 

Ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam ay mai-stream na starting June 11 on the following streaming apps:  ktx.ph, iWantTFC, and Vivamax.

 

Sa wala pang Vivamax app, it is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

In the meantime, panoorin ang aming dramedy ding exclusive interview with the KimJe couple by clicking the video above.

 

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.