This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

Sina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang parang Vilma Santos at Christopher de Leon na kahit may kanya-kanyang pamilya, pero basta’t pinagsama sa screen, oozing with chemistry pa rin.

 

May tendency ka—as a viewer at lalo na as a fan ng kanilang iconic na ngayong loveteam—na mag-isip ng mga what ifs.

 

At sila rin daw mismo ay mystified about it. Never nila na-pinpoint kung ano meron sila together that makes the chemistry work to this day.

 

Kaya rin daw siguro sila kinukuha pa rin ng mga producers as a loveteam ay dahil na rin sa undefined something na yon.

 

Of course ang dami ring naging drama noong araw. But ang importante, they’ve managed to keep their friendship and professionalism intact. Kapwa naging maayos naman ang kanilang respective marriages and both their partners are supportive of their undying teamup.

 

Sa interbyuhan, game silang mag-reminisce about the past ng walang bitterness.

 

In fact, aminado si Angelu na siya ang dahilan ng collapse ng TGIS. She needed to mind her own personal life at nakaramdam ng guilt at sepanx later on. Bobby, for his part, became very insecure at that time. Feeling daw niya ay wala na siyang career at “bahay” after TGIS.  Feeling on his own.

 

Pero kita mo naman, to this day, kahit nakagawa na ng kani-kanilang landas sa showbiz, madalas pa ring pagtiyapin ang mga landas nilang iyon. Thetre will aleays be a project meant for their reunion. Kaya nga sa matira matibay na usapan, walang tatalo sa kanila.

 

At yun nga, capable pa ring magpakilig. Sila na mismo nagkukuwento na sa set ng Nth reunion project nilang Di Na Muli ng TV5 at Viva, mismong mga co-stars nilang sina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Marco Gallo; plus ang mga staff and crew na show, ang tinatamaan ng kilig pag sila na ang nakasalang. Sila na daw tuloy ang nako-concious. In short, kering-keri pa rin nilang magpatigil ng mundo.

 

Ang dami naming nabalikan sa exclusive na pakikipag-usapang 90’s namin sa magka-loveteam. From their first meeting to TGIS’s farewell; from tacky 90’s ganaps to 90’s pleasantness, at marami pang iba.

 

Maki-reminisce at alamin ang iba pang never-been-talked about details ng kanilang 90’s pair up by clicking the video above.

 

Happy #Throwback!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.