This is Showbiz (Episode 8): Anjo Yllana at Janno Gibbs, pigil nga bang “magpaka-pilyo” sa bagong show nila?

Exactly one month ago today, October 14, ini-launch sa Net 25 ng Eagle Broadcasting Corporation ang Happy Time, ang daily noon-time show na ipinanganak sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ibinalik ng show na ito ang click na tambalang Janno Gibbs at Anjo Yllana na maraming ginawang patok na comedy shows and movies noong 80s and 90s.

Both are very happy na pinagkatiwalaan sila ng Net 25 ng sarili nilang show. At in fairness, nakakatawa ang mga hirit nila kahit pa halata—especially for people like us na kilala sila—na pigil na pigil ang mga bitaw nila ng jokes.

May effort na maging “not offensive” or too pilyo. Even and only lady co-host nilang si Kitkat ay tamed din pati ang pananamit.

Compared to other free TV stations kasi, mas conservative na maituturing ang Net 25 bilang alam naman ng nakararami na pag-aari ito ng simbahang Iglesia ni Cristo.

Nakakasanayan na raw nila at na-appreciate na daw nila ngayon ang fact na p’wede palang magpatawa na wholesome ang jokes.

Despite that, marami pa ring naaliw sa mga bitaw ng dalawa at meron na silang mga suking viewers all over the world, lalo pa’t ipinapalabas din naman sa  mga digital platforms ng Net25 ang Happy Time. Click sa viewers ang “Bawal Peyk News” segment at ibinagay talaga sa kanila ang mga respective segments nila —ang “Ayuda Juan” ni Anjo at “Janno Gives” ni Janno.

Sa ngayon, masaya na raw sila sa magagandang feedback. Hindi naman daw sila pine-pressure ng management na makipag-head-to-head sa ibang noontime shows in terms of ratings at commercial load.

Pero ani Mr. Caesar Vallejos, ang marketing guy ng EBC, malaki ang naging contribution ng Happy Time sa pag-angat ng figures ng mga social media platforms nila. At maging sila ay nagugulat sa number of live viewers nila sa Facebook.

Pina-unlakan ng interview nina Anjo at Janno ang This is Showbiz at pina-bisita pa kami sa set nila sa Net 25 na napaka-impressive pala ng mga studios.

Bukod sa mga tsikang Happy Time, nagki-throwback tsika din kami sa dalawa. In the course of the interview, nabanggit ni Anjo balak nila ni Janno na okupahin ang mga binakanteng seats nina Kuya Germs [Moreno] at Kuya Ike [Lozada] na kapwa mga star-bullders noong panahon nila. 

Dahil unti-unti na ring pinapasok ng Net25 ang pagpo-produce ng mga mainstream entertainment contents kaya balak nilang tulungan na maka-buo ng sarili nitong talent pool na mala-That’s Entertainment, kumbaga.

Magandang balita yan. The more, the merrier, ika nga.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.