WATCH: Relive that moment when Jeremiah Tiangco was proclaimed as The Clash Season 2 Grand winner!

Mula sa pagiging audition reject ng  The Clash Season 1, nagbalik si Jeremiah Tiangco—ang tinaguriang Pop Heartthrob ng Imus (Cavite)—sa Season 2 ng programa hindi lang para patunayang magaling siyang mang-aawit kundi para talaga sungkitin ang titulong grand winner kalakip ang mga malalaking paprempyong kasama ng titulo.

Bagama’t nag-iisang anak, ang pagtulong din sa pamilya ang pinakamalaking motivation ni Jeremiah para sungkitin ang grand prize na may premyong house and lot, brand new car, 1M cash, at managerial contract with the GMA Artist Center.

Patitigilin na raw niyang mag-seaman ang tatay niya at nang makasama na nila; at tutulungan daw niyang papag-aralin ang isang malapit niyang pinsan. At dahil maka-Diyos, pinangako din ni Jeremiah na ilalaan niya ang 10 percent ng kanyang cash winning bilang tithe sa simbahan.

Pukpukan ang naging laban kagabi sa The Final Clash hanggang sa sila nalang ni Thea Astley, ang tinatawag na RnB Sweetheart ng Quatar, ang natira para sa one-one-one.

Magaling din si Astley pero ang paniwala ni Jeremiah, ang mga song choices niya kagabi ang nagpanalo sa kanya dahil bukod sa alam ng tao, may magagandang build up daw ang mga ito sa areglo.

Congrats, Maya!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.