Aktor, naipit between love and career

Aktor, naipit between love and career

Imbes na maging masaya ay nadismaya ang aktor na isa sa mga bida ng successful teleserye dahil na-extend naman ang kanilang TV drama. Hindi naman dahil sa ingrato ang aktor. Sino ba naman daw ang ayaw mapabilang sa isang nagre-rate ng show samantalang ito talaga ang labanan sa TV. Nagkataon lang na may nai-plano na siyang ibang mga aktibidades na popokus naman sa personal niyang buhay.

 

Napangakuan na kasi ng aktor ang asawa niyang sasamahan niya ito sa isang mahalagang out-of-the-country trip sa darating na love month pero nang bigla silang sabihan na extended na naman ang teleserye ay nanlumo ang aktor dahil alam niyang madi-disappoint ang asawa niya.

 

Feeling ni aktor ay bigla siyang nasa crossroad at kailangang mamili between love and career. As it is nga ay guilty’ng-guilty na raw si aktor sa kawalan ng oras sa asawa tapos na-extend na naman sila.

 

Nakiusap daw nang maayos ang aktor sa mga bossing ng show at nag-compromise na lamang sila. Papayagan nilang umalis ang aktor para samahan ang misis nito pero two weeks lang at hindi ang original plan ni aktor na wantu-sawa sanang bakasyon.

 

Taliwas naman ang mga kaganapan sa isa pang teleserye na in-expect na maghi-hit pero waley kaya imbes na pahabain ay nakatakda na itong matigok sa ere soon.