First night ng lamay ni Chokoleit, “blockbuster” agad

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Kagabi, March 11, ginanap ang unang gabi ng lamay para sa magaling at well-loved na komedyanteng si Chokoleit—Jonathan Aguilar Garcia in real life—sa isang maliit na chapel sa may Rizal Province.

 

At gaya ng inaasahan, dinagsa ng mga nagmamahal—pati na rin ng mga “uzi” or usyosero—ang first of the three-day lamay. In showbiz parlance or even gayspeak, “blockbuster” ang tawag kapag dinadagsa ng nakikiramay ang wake ng isang namayapang taga-showbiz.

 

L-R: Vice Ganda (with yellow cap) mingling with fans; Ryza Cenon na isa sa mga huling nakasama ni Chokies a Abra, and Chokie’s fellow sing-along master and comedian, Teri Onor.

 

Napag-alaman namin maaga palang ay nasa funeral parlor na ang mga BFFs ni Chokie na sina Pokwang, Pooh, K Brosas, at Vice Ganda. At habang lumalaon ang gabi ay isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaibigan ni Chokie sa showbiz na hindi lang mga artista kundi those who he had worked with behind the camera.

 

Ilan sa mga nadatnan pa doon ng pikapika ay sina Vice Ganda, kasama ang It’s Showtime co-host na si Ryan Bang, si Sunday PinaSaya director Andrew de Real na dating may-ari ng sing-along house na The Library, si Direk Dante Garcia, John Lapus na aligaga sa pag-aayos ng ilang details ng burol, si Ogie Diaz, ang mga komedyanteng sina Atak, Lassy, at Teri Onor, at Kitkat; and actresses Ara Mina, Barbie Imperial, at Ryza Cenon.

 

(L-R) Ogie Diaz, Andrew de Real and John Lapus; and Atak, Lassy, and their colleague.

 

Napag-alaman ng pikapika na sa Huwebes ang huling gabi ng lamay para kay Chokie, isa pang palayaw ng mga taga-showbiz kay Chokoleit, dahil iuuwi ng pamilya niya ang mga labi niya para ihatid sa huling hantungan nito sa Davao.

 

Taliwas sa mga nauna nang naiulat ng media, kabilang na ang pikapika, 48 years old na si Chokoleit at hindi 46.

 

Inatake sa puso at agad na binawian ng buhay si Chokoleit matapos na pilitin nitong idaos ang kanyang mga performances para sa Kawayan Festival sa probinsya ng Abra noong March 9, 2019.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.