This is Showbiz Episode No. 30: Mikee Quintos at Kelvin Miranda, miss na miss na ang isa’t isa

Isa sa positibong nabuo sa kasagsagan ng gloomy Covid-19  pandemic ang The Lost Recipe ng GMA News TV. Dahil sa show na ito, nakabuo din ng isang fresh loveteam, ang #MiKel—nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda— na oozing with chemistry.

Agad na minahal at kinakiligan ng viewers ang #MiKel tandem, dahilan para regular na mag-trend sa Twitter ang mga pangalan or kilig na eksena nila na up to now daw ay hindi pa rin kapwa ma-define o ma-pinpoint nina Mikee at Kelvin kung saan nanggagaling. Even to them, mystery pa rin ang source ng kanilang chemistry at mas gusto raw nilang wag nalang alamin at magpapa-natural nalang palagi.

Ni hindi nga sila magkakilala prior to The Lost Recipe. May konting idea sila about one another but zero connection, na marahil ay mas nakatulong dahil sa show na mismo na-build ang magical connection nila na ramdam ng viewers. Bright idea na nagsugal ang GMA sa team up nila at naging very generous naman si Mikee na i-welcome ang GMA newbie na si Kelvin.

READ: The Butcher | Why The Lost Recipe is a yummy drama

Galing indie films si Kelvin, best known for his impressive lead role portrayal in Dead Kids sa Netflix; habang mas matagal at may mas napatunayan na sa showbiz si Mikee na naka-ilang bigating primetime projects na sa GMA (Encantadia, Alyas Robin Hood Sherlock Jr. Onanay, The Gift, to name a few) mula nang magsimula siya noong 2016.

Nag-premiere ang The Lost Recipe noong January 18, 2021 at nagtapos noong March 31 lang. Pero ngayon palang ay may clamor nang magka-Season 2. Si Mikee mismo ay ipinagdadasal daw na magka-Season 2 sila o kaya naman ay magka-project ulit sila ni Kelvin kung hindi man Season 2.

Aminado kasi ang dalawa na miss na nila ang isa’t isa dahil matapos mag-lockdown nang matagal sa mga tapings noon, eto’t biglang virtually nalang sila nagkikita ngayon. In fact, pati nga ang shoot ng kanilang music video para sa kanilang latest duet single na “Two of a Kind” ay na-apektuhan dahil sa surge ng mga bagong cases ng Covid-19 sa bansa.

Sa maikling panahon ay naging very close daw sila at ayon pa nga kay Kelvin, lagpas na raw sa kategoryang crush niya si Mikee dahil mahal na raw niya ang dalaga ng Sampaloc, Manila. Hindi nga lang nag-elaborate si Kelvin kung anong klaseng love ang nararamdaman niya para kay Mikee, basta raw at mahalaga para sa kanya ang ka-loveteam.

Maski kami ay may sepanx pa sa The Lost Recipe kaya naman happy kami sa pikapika.ph na  nagpa-unlak ng virtual interview ang dalawa for our online show This is Showbiz at hindi naging madamot sa kanilang mga nakakilig na sagot.

Incidentally, habang wala pa silang reunion project, you can still enjoy their company by streaming their upbeat single “Two of a Kind” na available na in all digital platforms.

Pero para hindi kayo mabitin, click on the video link above to watch the full interview.

MORE VIDEOS:

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (A): Darryl Yap, nangangakong “kita ang kaluluwa” ng mga artista niya sa Pornstar

Exclusive: This is Showbiz Episode 22 (B): Bare-all tsikahan with Pornstar stars Maui, Ara, Alma, at Osang

This is Showbiz #21: 2021 psychic predictions for KathNiel, AshMatt, Alden, Maine, Coco, Vice, atbp.

This is Showbiz #20: Jewel Mische at ang mala-fairy tale niyang buhay sa Michigan, USA

Exclusive: This is Showbiz #19: MMFF 2020 Best Actress Charlie Dizon, ayaw ipapanood sa parents ang movie niya

Exclusive: This is Showbiz 18: Charo Santos-Concio, ang over achiever na nahulog sa third floor ng bahay at 3 years old

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.