Apat na female stars, interesadong magpa-preserve na ng kanilang eggs

It’s their body, it’s their life, it’s their decision kung sakali man. 

PHOTO: Vectorstock.com

It’s their body, it’s their life, it’s their decision kung sakali man. 

Tunay ngang dahil sa science and technology ay napapadali na ang maraming bagay o kaya naman ay nagagawang possible ang mga dati ay seemingly impossible.

Gaya nalang ng pagkakaroon ng anak kahit pa ang babae ay lagpas na sa fertile age. Kahit bading o tibash na gusto magka-biological child—pero ayaw makipagtalik—ay p’wede na rin ngayon. 

May tinatatawag na ngayong surrogacy gaya ng ginawa ni Korina Sanchez at Mar Roxas (na nagpa-freeze ng eggs at semilya saka itinanim sa isang surrogate mom after insemination) at ng perfume magnate na si Joel Cruz (na nagpa-plant naman ng semilya sa isang suking Russian surrogate). May option din ng IVF kung gusto pa rin ng babae na siya ang manganak pero nahihirapang magbuntis the natural way.

Of course, all these options involve huge amount of money.

At hindi naman problema ang pera sa apat na female stars na nagko-consider na pala ngayon palang na magpa-freeze na ng kanilang eggs. 

Hindi pera ang problema nila kundi oras. 

Kapwa mga nasa kasagsagan pa kasi ng kani-kanilang career ang mga nasabing stars. In fact, kahit nga mga nasa marrying age na—at may kanya-kanyang lovelife—ay tila hindi rin nila option ito sa ngayon. Hindi rin naman kasi biro ang pinagdanan nila sa kanilang career bago naabot ang estado nila ngayon. 

Pero s’yempre, kasama naman sa pangarap nilang lahat ang maging doting mom someday. Pero dahil hindi pa nga sila handa at this point, kaya nagtatanong-tanong at nagri-reserch na raw ang mga female celebs tungkol sa mga bagay na ito.

At wala namang masama doon. It’s their body, it’s their life, it’s their decision kung sakali man. 

 

MORE PIKABOO:

Celebrity mom, nawindang nang madiskubreng nakapagbukas ng malalaswang pictures sa Internet ang anak na Grade 1

Promising male talent, tumanggi sa isang magandang role para lang maka-iwas sa lead male talent

Singer-politician, nabigo ang pag-epal

Aktres na madalas ma-link sa mga pulitiko, may bagong politician na minamataan?

Aktres, tinanggihan ni aktor; second choice, nabuntis

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.