Pamilya ng aktres, nagbubunyi dahil nakalaya ito sa toxic na relasyon sa aktor na maraming bagahe sa buhay

Sobrang laking ginhawa na pala ng pakiramdam ng mga magulang at malalapit na kaibigan ng aktres dahil masaya ito ngayon sa current relationship niya with an actor na umano’y “super bait, responsible, at marespeto” na kabaligtaran daw ng ugali ng dati nitong karelasyon.

Sobrang laking ginhawa na pala ng pakiramdam ng mga magulang at malalapit na kaibigan ng aktres dahil masaya ito ngayon sa current relationship niya with an actor na umano’y “super bait, responsible, at marespeto” na kabaligtaran daw ng ugali ng dati nitong karelasyon.

Sobrang laking ginhawa na pala ng pakiramdam ng mga magulang at malalapit na kaibigan ng aktres dahil masaya ito ngayon sa current relationship niya with an actor na umano’y “super bait, responsible, at marespeto” na kabaligtaran daw ng ugali ng dati nitong karelasyon.

“Mabuti na lang at nagising sa katotohanan itong si (aktres) dahil bulag-bulagan no’ng una. Lahat okay sa kanya na pati magulang nu’ng ex niya tinatalakan siya sa harap ng maraming tao. Nakakaloka ’yun huh!” tsika ng aming source. 

Maayos naman daw ang takbo ng relasyon ng aktres sa ex-boyfriend niya noong umpisa. Super in love to the max sila to the point na humiwalay na ng tirahan si girl sa parents niyang mahigpit.

“Alam mo na mga kabataan, s’yempre gustong mag-enjoy na silang dalawa lang. E, alam mo naman ang mga parental guardians... kasi s’yempre alam na nila ang mangyayari.”

Kalaunan, naging toxic na umano ang relasyon ng dalawa. Marami raw kasing personal baggage si aktor na nabi-bitbit nito sa relasyon nila.  

“Itong si ex ni (aktres), may family problem na dala-dala niya kasi lumalabas siya ’yung breadwinner pala,” patuloy ng source. “So, pressured siya. Hindi siya makabili ng gusto niya. May certain allowance lang na ibinibigay sa kanya. Tapos ’yung mga kasabayan niya, sarili lang nila ang kita. 

“So, may rebelde factor nga hanggang sa nagbisyo, naging aburido...lagi na silang nag-aaway ni (aktres). Ang masaklap, feeling ng parents nitong si (aktor), nauubos ang allowance niya dahil kay girl. 

“E, hello, si girl nga ang gumagastos sa date nila kasi si girl hawak niya kita niya.”

Hanggang sa napuno na daw ang salop ni girl at nakipaghiwalay na. At dahil dito, naapektuhan ang career nila. Kaya pala maraming nakapansin na tila nawala sila sa sirkulasyon for a while. 

“Then naka-jackpot ng project si (aktres) kaya tumaas ulit ang star value at nagkasunud-sunod na, remember? May bagong loveteam for her at kinagat ng tao. 

“Tapos ’yung huling movie naman nila nu’ng ex niya, ilang taon bago natapos kasi pala nag-aaway sila sa set. So, hindi makunan nang maayos ng direktor. Buti nga hindi sila natalakan to the max, inintindi sila kasi baka hindi nila tapusin ang movie,” madetalyeng k’wento pa rin ng aming source. 

Dagdag pa niya: “Eto pa pala nu’ng kinagat ’yung bagong loveteam ni (aktres), may follow-up project... S’yempre ganu’n naman talaga. Tumalak ang manager ni ex, bakit daw ganu’n? Binuwag na ang love team, naghahanap daw ang fans.  

“Alam mo, binara ng manager ni (aktres) ’yung manager ni ex. Ang sabi, ‘Negosyo ito at kung sino ang gusto ng tao ’yun ang ibibigay namin. E, hindi na gusto yang alaga mo, ano’ng magagawa namin?’” 

Supalpal.

Ang masaklap, nawalan ng projects ang ex-boyfriend ni aktres ng ilang taon habang namamayagpag naman ang huli.

Kamakailan lang muling nagka-project si ex-boyfie. ’Yun nga lang puro na lang siya supporting roles.

Sa kasalukuyan ay may non-showbiz girlfriend na si ex-boyfriend at si aktres naman ay masayang-masaya ngayon sa estado ng buhay dahil maganda ang career at maayos ang relasyon nila ng boyfriend niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Promising male hunk, nag-babu sa showbiz dahil hindi kinaya ang indecent proposal ng isang beki director

Aktor na na-Covid, nag-panic; natakot sa posibleng gastos sa ospital

Pa-divang aktres, tinanggihang i-manage ng isang talent agency

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.