Single mom-actress, pinag-iisipan nang magtrabaho abroad; kapos na ang kita sa pag-a-artista

Baka daw next year, kung hindi bubuti ang kondisyon niya sa showbiz, ay baka patusin na ng isang single mom-actress ang alok na mag-trabaho abroad. "Susubukan ko lang ng one year. Makapag-ipon lang. Titiisin ko muna malayo sa mga bata. Gagawin ko naman ito para sa future nila. Hindi puwedeng nga-nga ako at aasa lang sa ibang tao.         "Nakakahiya na rin kasi. Ang tanda ko na pero pasanin pa ako ng pamilya ko. Gusto kong maayos na ang lahat kahit masakit sa akin ang umalis."

Illustration: Sych Ancheta

Baka daw next year, kung hindi bubuti ang kondisyon niya sa showbiz, ay baka patusin na ng isang single mom-actress ang alok na mag-trabaho abroad. "Susubukan ko lang ng one year. Makapag-ipon lang. Titiisin ko muna malayo sa mga bata. Gagawin ko naman ito para sa future nila. Hindi puwedeng nga-nga ako at aasa lang sa ibang tao.  "Nakakahiya na rin kasi. Ang tanda ko na pero pasanin pa ako ng pamilya ko. Gusto kong maayos na ang lahat kahit masakit sa akin ang umalis."

Dahil sa kawalan ng regular na trabaho, binabalak na ng aktres na ito na magtrabaho sa ibang bansa.

Hindi raw mapagkasya ng aktres, na isang single parent, ang kanyang kinikita sa paisa-isang teleserye lamang. Marami raw siyang binubuhay at kailangan niya ng trabahong regular na may sasahurin siya buwan-buwan.

Emote daw ng aktres: "Ang taping kasi lock-in pa rin, 'di ba? Kaya hindi ka na puwedeng makatanggap ng ibang raket. Hindi tulad noon bago ang pandemic, p’wede kaming rumaket ng show sa probinsya o mag-guesting sa ibang shows kahit na may teleserye.

“Ngayon kasi, kapag na-swab ka na, doon ka lang sa location at bawal na 'yung lalabas ka hanggang hindi natatapos ang lahat ng mga eksena mo. Hindi p’wede sa akin ang ganyan lang kasi kinakapos tayo sa budget. Paano kung after ng teleserye ko ito, e walang kasunod? Paano na, ’di ba?"

Kung nag-iisa lang daw sana si aktres, kaya niyang mabuhay sa paisa-isang teleserye. Marunong naman daw siyang magtipid at nakaka-survive siya sa mga online businesses niya. Pero dahil may mga binubuhay na siyang mga bata, kailangan maging praktikal na siya.

"Naranasan ko na ’yung limang buwan na walang regular na sahod. Nabubuhay ko noon ang sarili sa savings ko. Pero ngayon, iba na ang situwasyon. May iba ka nang iniisip na buhayin, e. Kaya next year, kapag di pa naging maayos ang lahat, tatanggapin ko na ’yung offer na magtrabaho ako sa ibang bansa. 

"Nagkukuwenta ako ng mga gastusin every day. Grabe ang mahal na talaga ng lahat. Kahit sino kakapusin, e. Hindi lang ako ang dumadaing kundi pati ibang artista rin. Kaya kung wala na talagang choice, work abroad ako. Kasi ’yun may mga benefits. Makakakuha ako ng educational plan at medical insurance. Ngayon kasi, wala talaga. Hindi kasya ang kinikita ko sa mga gastusin. 

"Susubukan ko lang ng one year. Makapag-ipon lang. Titiisin ko muna malayo sa mga bata. Gagawin ko naman ito para sa future nila. Hindi puwedeng nga-nga ako at aasa lang sa ibang tao. 

"Nakakahiya na rin kasi. Ang tanda ko na pero pasanin pa ako ng pamilya ko. Gusto kong maayos na ang lahat kahit masakit sa akin ang umalis," patuloy na emote ni aktres.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Nag-resurface na social media account na aktor, nawala ulit nang may mangingil ng utang sa kanya

Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

Dalawang aktres, nagbardahan; muntik magkapisikalan

Aktres, nagpalobo ng asking price; G na G o ayaw magtrabaho?

Young actress na na-late sa taping, pinagsabihan ng senior co-actor na mag-sorry sa lahat nang pinaghintay niya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.