Dating sexy hunk, na-hurt nang hindi pangalanan at i-describe lamang ng isang website as “older friend” ng isang kilalang aktor

May nagpayo naman daw sa aktor na tanggapin na lang ang katotohanan na "older friend" naman na siya. Wala naman daw mangyayari kung kukumprontahin niya ang administrator ng website. Baka mamaya matawag pa raw siyang "desperate older friend."

May nagpayo naman daw sa aktor na tanggapin na lang ang katotohanan na "older friend" naman na siya. Wala naman daw mangyayari kung kukumprontahin niya ang administrator ng website. Baka mamaya matawag pa raw siyang "desperate older friend."

Na-hurt daw ang isang aktor dahil sa pagkaka-describe sa kanya ng isang website na "older friend".

Kasama kasi siya sa isang ipinost na photo ng naturang website na nag-feature tungkol sa isang pinapantasyang aktor ngayon. Pinangalanan ang aktor dahil tungkol naman sa kanya ang feature pero siya na kasama sa larawan ay dinescribe lamang bilang “older friend” ng pinapantasyang aktor.

Kaya na-hurt ito dahil alam naman daw siguro ng nag-post sa website ang pangalan niya, pero imbes na ilagay iyon ay mas pinili ng website na gamitin ang description sa kanya as “older friend” ng kasama niyang aktor.

"Naku pinapahanap niya kung sino ang ’yung administrator ng naturang website at magpapakilala daw siya,” natatawang say ng aming source.

“Masyado siyang affected sa pagtawag sa kanya na older friend siya. Gusto raw niyang ipamukha na ito ang name niya at matagal na raw siyang napi-feature sa website nila, lalo na noong panahon na matapang pa siyang magsuot ng mga sexy underwear.

“Tapos na raw siya sa mga gano'n dahil pinaubaya na niya sa mga bata. Pero nakakainsulto daw na tawagin siyang older friend dahil may name naman daw siya," k’wento pa ng source sa himutok ng aktor.

Dahil siguro sa matagal na hindi naging visible ang aktor at mas matanda nga siya sa katabi niyang aktor kaya ’yun ang naipangalan sa kanya. 

Hirit pa ng aming source: "Tsaka matanda naman na talaga siya. Lumipas na ang panahon niya, 'di ba? Feeling ko rin na hindi talaga siya kilala ng nagpapatakbo ng website. Kasi naman early 2000 pa siya nagpa-sexy, eh 2022 na!

“Marami ng mga batang nagpapatakbo ng mga websites. Para sa mga kabataan ngayon, Jurassic na siya. He belongs na to the dinosaur age. Ganyan ka-vicious ang mga Gen Z ngayon."

May nagpayo naman daw sa aktor na tanggapin na lang ang katotohanan na "older friend" na siya. Wala naman daw mangyayari kung kukumprontahin niya ang administrator ng website. Baka mamaya matawag pa raw siyang "desperate older friend."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres na kilala ng mga taga-production noon bilang take-out queen, nagka-amnesia nang magka-pera

Retokadang aktres, obsessed tapalan ng makeup ang mga pinaretoke

Pamilya ng aktres, nagbubunyi dahil nakalaya ito sa toxic na relasyon sa aktor na maraming bagahe sa buhay

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.