Direktor, bistado sa lihim na pangongotong

Direktor, bistado sa lihim na pangongotong

Namuhunan sa isang drama indie project ang isang grupo ng mga negosyante kamakailan. First venture nila ito sa movie production kaya hindi nila alam ang pasikot-sikot sa mundong pinasok nila. Naging gullible tuloy sila sa pagkatuso ng male indie director na nai-recommend sa kanila.

Pati kasi pagla-line produce ay inako diumano ni Direk kaya binibigay sa kanya ng mga newbie producers ang pera para paikutin, kasama na ang pambayad sa ilan sa mga artistang kakilala ni Direk na kinuha niya bilang support sa pelikula.

READ: Sexy young actress, pinagdududahang tibash

Ilan sa mga artisang ito ay taga-teatro at dito diumano nakasilip ng extra raket si Direk. Pinapatungan niya diumano ang TF (talent fee) ng mga ito. 

Nabisto nila ito nang kutuban sila sa presyong hiningi ni Direk para sa isa sa mga actors na kinuha niya. Pumayag sila pero imbes na kay Direk ibigay ang pera ay nagpadala ng emissary ang mga producers para siyang mag-abot ng pera sa artista. Tila nagkagulatan daw dahil nalakihan si artista sa bayad na halos doble nang presyong kinowt ni Direk sa kanya. 

Nagdahilan nalang si Direk sa biglaang harapan na yon na kunwari ay nagalingan siya sa aktor kaya pina-doble niya ang TF. Kung nagkataon pala ay halos kalahati ng TF ang mapupunta sa kamay ni Direk. Pero naging red flag ang pangyayaring ’yon sa mga producers kaya ang mga sumunod na budget ay hindi na nila diumano pinadaan kay Direk.

Waging-wagi si aktor dahil nadoble ang TF niya. At marahil ay lihim na naghihimutok si Direk dahil hindi na nga niya nakubrahan si aktor, nabisto pa ang lihim na raket niya.

Ang masaklap, hindi pala ito first time ginawa ni Direk. May ilang newbie producers na rin pala ang nagawan niya ng similar raket. Nakakalungkot lang dahil nangangarap lang naman ang mga newbie producers na makagawa sila ng pelikula, pero nasisilat pa sila. =(

 

More pikaboo:

Selosang aktres, mali ang tinalakan
Aktres, kumpirmadong may attitude problem
Young actress, in love sa isang hunk at hindi sa ka-loveteam