Female starlet, namumuro na sa pagka-taklesa; latest victim niyang female celebrity, nagpigil lang na sapakin siya

Sa game portion ng isang show naganap ang taklesa moment ng isang starlet. "Dahil sa game na 'yan kaya muntik nang may mag-walk out. Ganito kasi iyon, may dapat silang basahin sa teleprompter at huhulaan nila ang ibig sabihin. Salitan silang magbasa at sumagot. “Ito naman kasing si starlet, masyadong OA ang mga reaction, sigaw nang sigaw kaya si female celeb, natataranta sa ingay niya. Kaya may isang word doon na hindi niya nasagot ng tama. So, natalo sila. "Ito naman si starlet, lumabas ang pagkataklesa at sabihan ba naman si female celeb ng: 'Mabuti na lang talaga maganda ka!' Naku doon na namula sa galit si female celeb at biglang nagpaalam muna na babalik sa dressing room."

Illustration: Katrina Jamilano

Sa game portion ng isang show naganap ang taklesa moment ng isang starlet. "Dahil sa game na 'yan kaya muntik nang may mag-walk out. Ganito kasi iyon, may dapat silang basahin sa teleprompter at huhulaan nila ang ibig sabihin. Salitan silang magbasa at sumagot. “Ito naman kasing si starlet, masyadong OA ang mga reaction, sigaw nang sigaw kaya si female celeb, natataranta sa ingay niya. Kaya may isang word doon na hindi niya nasagot ng tama. So, natalo sila. "Ito naman si starlet, lumabas ang pagkataklesa at sabihan ba naman si female celeb ng: 'Mabuti na lang talaga maganda ka!' Naku doon na namula sa galit si female celeb at biglang nagpaalam muna na babalik sa dressing room."

Muntik palang mag-walkout sa isang taping ng live show ang isang female celebrity dahil sa inis niya sa isang starlet.

Matagal na raw na palang may ongoing silent war ang dalawa at noong magsabay silang mag-guest sa show, nag-init pa ang ulo ni female celeb dahil sa pagiging taklesa ng starlet.

Kuwento ng aming source, civil naman daw si female celeb kay starlet noong magkita sila sa studio. Nagbeso-beso pa raw ang dalawa bago sila sumalang sa isang game na bahagi ng segment ng show.

"Dahil sa game na 'yan kaya muntik nang may mag-walk out. Ganito kasi iyon, may dapat silang basahin sa teleprompter at huhulaan nila ang ibig sabihin. Salitan silang magbasa at sumagot. Ito naman kasi si starlet, masyadong OA ang mga reaction, sigaw nang sigaw kaya si female celeb, natataranta sa ingay niya. Kaya may isang word doon na hindi niya nasagot ng tama. So, natalo sila. 

"Ito naman si starlet, lumabas ang pagkataklesa at sabihan ba naman si female celeb ng: 'Mabuti na lang talaga maganda ka!' Naku doon na namula sa galit si female celeb at biglang nagpaalam muna na babalik sa dressing room."

Sa dressing room daw ay galit na galit si female celeb dahil sa sinabi sa kanya ng starlet. Buti raw at hindi sila magkasama sa iisang dressing room kundi baka nasuntok na raw niya sa mukha ito.

Sey pa ng source: "Grabe pala magalit si female celeb, inglesera! Bongga ang mga words na ginamit niya para laitin si starlet. Galit siya kasi hindi naman sila close pero bakit kailangan sabihan siya ng gano'n? Noon pa raw siya naiinis sa pagiging taklesa ni starlet. Feeling close daw ang hitad kaya lalo siyang naiinis dito."

Si starlet naman ay tila clueless kung bakit nawala bigla sa set si female celeb. Hindi siya aware na ang pagiging taklesa niya ay nakakairita sa maraming tao. Hindi lang daw si female celeb ang na-offend niya kundi ang ibang nakakasama niya sa ibang shows. Iisa lang ang reklamo nila rito na taklesa ito at mahilig magpahiya ng tao sa publiko.

Dahil professional si female celeb, hindi nito tinuloy ang umalis. Ayaw daw niyang magkaroon ng hindi magandang reputasyon sa network. 

Chika pa ng source: "Kaya nag-ayos si female celeb at sinabi na lang nito na kailangan niyang magbanyo kaya siya nawala sa set. Ang kaso itong si taklesang starlet, may hinirit na naman sa narinig niyang sinabi ni female celeb. Tinanong ng bruha kay female celeb kahit na may mga taong nakakarinig ay 'Nag-number 2 ka? May LBM ka?' 

"Hindi na lang nag-react si female celeb at nagkunwaring natawa na lang ito sa tanong. Pinaplastik na lang niya si starlet na maganda pero walang class magsalita."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Aktres, atat nang magka-lovelife pero mga boylets ang mailap

Newbie actor, kinakanlong sa pagpapaka-K-Pop ang berdeng dugo

Single mom-actress, pinag-iisipan nang magtrabaho abroad; kapos na ang kita sa pag-a-artista

Dalawang aktres, nagbardahan; muntik magkapisikalan

Nag-resurface na social media account na aktor, nawala ulit nang may mangingil ng utang sa kanya

Grand entrance gimmick ng isang aktor sa isang event, napurnada

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.