Workaholic na male celebrity, ayaw tumigil magtrabaho kahit halatang may health issues ito

Quiet lang daw ang mga kasama ng male celebrity sa show kahit alam nila ang kalagayan nito. Ayaw nilang iparamdam dito na bothered na sila. Pero feeling nilang lahat ay kailangan na nitong magpatingin sa isang espesyalista.

Quiet lang daw ang mga kasama ng male celebrity sa show kahit alam nila ang kalagayan nito. Ayaw nilang iparamdam dito na bothered na sila. Pero feeling nilang lahat ay kailangan na nitong magpatingin sa isang espesyalista.

Marami na ang nababahala sa hitsura ng isang male celebrity dahil tila hindi na nito maitago na may karamdaman siya.

Hindi naman daw nawawala ang pagiging masayahin ng male celebrity pero kapag hindi raw ito nakaharap sa kamera, may mga iniinda itong mga sakit sa katawan. Professional lang daw talaga ito kaya hindi niya pinapahalata na may nararamdaman siyang hindi tama.

“Worried na nga ang staff ng show na kinabibilangan niya dahil kitang-kita na sa TV na may problema na sa kalusugan niya,” kuwento ng aming source.

Unang-una, umiitim ang balat niya. Hindi siya tanned na itim, ha, kasi may pagka-grayish na ang kulay. Kaya hirap na 'yung make-up artist na maayos ang kulay niya sa TV.

“Tapos ang laki ng pinayat niya. Kung noon okay pa ang katawan niya, ngayon ay nakakabahala ang biglang pagpayat niya. Hindi healthy tingnan ang katawan niya kasi iba 'yung payat kapag nage-exercise ka sa payat na maysakit ka,” patuloy pa ng source.

Quiet lang daw ang mga kasama ng male celebrity sa show kahit alam nila ang kalagayan nito. Ayaw nilang iparamdam dito na bothered na sila. Pero feeling nilang lahat ay kailangan na nitong magpatingin sa isang espesyalista.

Pero dahil nakikita nila na may positive attitude ito at alam nilang gusto nitong masaya ang paligid, pilit nilang dinededma ang totoong nararamdaman nila para sa kalusugan nito.

"Huwag na lang tayo magulat kung biglang mag-leave ang male celebrity sa show na kinabibilangan niya dahil alam na kung bakit,” dagdag pa ng aming source. “Dapat lang siguro na unahin niya ang kalusugan niya. Mahirap 'yung may mga taong nag-aalala na baka biglang may mangyari sa kanya sa gitna ng trabaho.

“Habang maaga pa, magpatingin na siya bago pa ito lumala,” diin pa ng aming concerned source.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hunk actor, kalat na ang pagiging premature ejaculator at makasarili sa kama

Drama actor, muka ng Pinocchio sa kaka-patangos ng ilong

Dating sexy hunk, na-hurt nang hindi pangalanan at i-describe lamang ng isang website as “older friend” ng isang kilalang aktor

Aktres na kilala ng mga taga-production noon bilang take-out queen, nagka-amnesia nang magka-pera

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.