THIS IS SHOWBIZ #49: Kahit pumalya ang mga relasyon, Alma Moreno, hindi raw malas sa pag-ibig

With an acting career spanning nearly five decades, heto’t wala pa ring kupas ang ganda at namamayagpag pa rin ang acting career tinaguriang “Sex Goddess of Philippine Movies” noong 70s and 80s.

 

In those five decades, paulit-ulit na nagmahal si Alma Moreno at paulit-ulit ding nabigo. Four of those relationship gave her seven beautiful kids, the youngest of which ay years old palang.

 

Pero kahit daw nauwi sa hiwalayan ang limang relasyon niya ay never daw niyang inisip na malas siya sa pag-ibig. It’s because nga may mga anak na nabuo ang pagmamahalang iyon. And she has successfully merged all her kids into one unit na walang turingan na half-sibling. Isa siya sa masasabing nauna sa extended/blended family setup.

 

Never din siyang naghabol sa lalaki. Kung ayaw na raw kasi ay ayaw na. Katwiran niya, kung anuman ang lumigalig sa relasyon nila ay paniguradong mauulit lang kung ipipilit. 

 

But she made it a point na kahit hiwalay na ang nagiging kaibigan niya ang mga ex niya—or at least most of them para sa mga bata. In fact, pati naging mga karelasyon ng ex niya ay nagiging kaibigan niya lalo kapag alam niyang minamahal ang mga anak niya.

 

These days, matagal-tagal na ring loveless si Ness (palayaw ni Alma). Pero aniya, never daw siyang nagsara ng puso. Kung may darating daw ay papapasukin niya lalo pa’t may kanya-kanyang buhay na ang halos lahat ng mga anak niya.

 

Deadma siya sa naging hula sa kanya noon na kapag may lovelife siya ay malas siya sa ibang aspeto ng buhay. 

 

“Ang sakit di ba?” natatawang say niya sa hula. “Pag daw wala akong lovelife, mas maswerte ako sa career, sa ganyan...sabi ko nga, kaya itong #Pornstar2, paniguradong blockbuster. Hahaha! Kasi wala akong lovelife! Hahaha!”

 

Ang tinutukoy niya ay ang second installment ng Pornstar trilogy ni Direk Darryl Yap, ang #Pornstar2 Ikalawang Putok na kasalukuyan nang nag-i-streaming sa Vivamax.

 

Gaya ng lovelife niya, bigo silang makahanap ng papalit sa trono nila nina Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor sa Pornstar 1 (Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar) kaya’t tinuloy nila ang search dito sa part 2. Mahanap kaya nila sa mga mapangahas na baguhang sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Stephanie Raz, at Ayanna Misola ang mga bagong magre-reyna sa Philippine sey film industry?

 

Magkaka-alaman na.

 

Pero bago yon, panoorin n’yo muna ang aming masayang pakikipag-throwback sa legendary sexy actress by clicking the video link above.

 

Meanwhile, Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

 

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

 

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

 

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

MORE THIS IS SHOWBIZ EPISODES:

This is Showbiz #39: Kylie Verzosa on beauty pageantry, depression, Jake Cuenca, and first starring role

This is Showbiz #40: “Crossover Queen” Glaiza de Castro at ang bunga ng kanyang mga pagsisikap

This is Showbiz #41: Kumustahan with 70’s matinee idol Dondon Nakar ng “Apat na Sikat”

This is Showbiz #42: Ken Chan, versatile actor na; versatile businessman pa

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

This is Showbiz #44: Usapang 90’s with Angelu de Leon & Bobby Andrews

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

Tiktok: https://www.tiktok.com/@pikapikashowbiz
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.